Kristoffer Martin's girlfriend engages in word war with Barbie Imperial fans

IMAGE @acbanzooon on Instagram / Noel Orsal

Nadamay na rin sa isyu ni Barbie Imperial (kanan) ang non-showbiz girlfriend ni Kristoffer Martin na si AC Banzon (kaliwa) pagkatapos batikusin ng fans ng Kapamilya actress ang Kapuso actor kaugnay ng tweet ni Barbie tungkol sa physical abuse.


Nakipagsagutan ang non-showbiz girlfriend ni Kristoffer Martin na si AC Banzon sa mga tagasuporta ni Barbie Imperial.

Nagsimula ito sa cryptic post ni Barbie sa Twitter tungkol sa physical abuse kalakip ng larawan niyang may pasa sa ilang bahagi ng katawan.

Tinukoy ng fans ni Barbie na ang boyfriend nitong si Paul Salas ang pinatatamaan ng Araw Gabi actress.

Nag-tweet si Kristoffer na nagsasabing huwag basta paniniwalaan ang isang tao dahil laging may dalawang bersiyon ng istorya.

Wala man siyang pinangalanan, inakala ng fans na ito ang sagot ng Kapuso actor sa tweets ni Barbie.

Magkaibigan sina Paul at Kristoffer kaya inisip ng mga tagasuporta ni Barbie na ipinagtatanggol ni Kristoffer si Paul.

Nilinaw naman ni Kristoffer na na-misinterpret ang kanyang tweets at hindi niya pinapaboran ang physical abuse.

Humingi rin siya ng paumanhin dahil sa "nakaka-mislead" na tweets niya.


Stories We Are Tracking

Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet

AC DEFENDS KRISTOFFER. Dahil sa kanyang tweets ay inulan ng batikos si Kristoffer mula sa fans ni Barbie.

Kaagad namang ipinagtanggol ang aktor ng kanyang girlfriend na si AC Banzon.

Tila kinumpirma ni AC na may alam siya kung paano natamo ni Barbie ang mga galos nito, pero hindi siya nagdetalye. 

Unang tweet niya, “MASYADO NAMAN MAKAPAGSALITA YUNG MGA FANS NA WALA NAMAN ALAM SA TOTOONG NANGYARI.

"ATTACKING KRISTOFER?? WAIT LANG BAKA GUSTO NIYO ITANONG SI BARBIE SINO TINAKBUHAN NIYA NUNG ARAW NA YON.

"KAIBIGAN KO SI PAUL, KAIBIGAN KO DIN SI BIE. WAG KAYO MAGPAPANIWALA SA MGA NABABASA NIYO LANG."

May mga pagbabanta sa dalaga, pero hindi siya nagpatinag.

Diin ni AC, wala siyang pinapanigan at ipinagtatanggol lang niya ang boyfriend mula sa fans ni Barbie.

“Ako din naniniwala dahil nakita ko ‘yun ng personal. At alam ko din paano nakuha ni Barbie ‘yun.

"Wala akong pinapanigan I swear. I am here for Kristofer na ‘wag naman oa sa pagjudge galing sa fandom niyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Excuse me? Wala akong kinakampihan.

"You’re missing my point pala jusko dami mo na nasabi. Hindi ko kinakampihan si Paul. Di ko pa nga ‘yun nakakausap eh

"Sinasagot ko kayo dahil too much na kayo kay Kristofer. I am his girlfriend. I will defend my man."

May nag-tweet pa kay AC na sana ay nanahimik na lamang ito para hindi na siya na-bash.

Pero matapang na sagot ng dalaga, “I protected my man. Hindi mo ako mauutusang manahimik. Ikaw may pinoprotektahan ka din, binawalan ba kita?”

Meron din isang fan ni Barbie ang humingi ng paumanhin sa dalaga nang na-bash ito ng ibang fans.

KRISTOFFER DEFENDS GF. Kaugnay nito ay nag-tweet si Kristoffer para ipagtanggol din ang girlfriend.

Ni-repost ng Kapuso actor ang screenshot ng tweets ng isang netizen na nam-bash sa kanyang girlfriend, at idinamay siya at si Paul.

Tweet ni Kristoffer: “Pero to di ko papalampasin. You talk about abuse. Pero yung ganituhin niyo yung taong wala namang kinalaman? Sinong mas umabuso?


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN