Sarah Geronimo takes advantage of month-long vacation to bond with boyfriend Matteo Guidicelli

IMAGE Courtesy of Random Republika

Sarah Geronimo's month-long vacation includes girlfriend duties to boyfriend Matteo Guidicelli. Recently, the singer-actress attended the launch of Matteo's latest denim collaboration with fashion designer Avel Bacudio.


Isang buwan ang hiniling na bakasyon ni Sarah Geronimo matapos ang sunud-sunod na trabaho niya nitong mga nakaraang buwan.

Ayon sa column ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon, mismong ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario ang nagkumpirma ng hiling ng singer-actress na magpahinga sa buong buwan ng July, na kanya ring birth month.

Simula April hanggang May, sunud-sunod ang schedule ng trabaho ni Sarah para sa kanyang This 15 Me concert tour, na nagsimula sa Araneta Coliseum noong April 14.

Kasabay rin nito ang pag-release ng bago niyang album na may parehong title.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Sarah Geronimo gets message of support from Matteo's sister
Sarah Geronimo gets message of support from Matteo's sister

Mula sa concert series sa Amerika, naging abala muli si Sarah para sa shooting ng Pinoy adaptation ng popular Korean movie na Miss Granny.

Bagamat nagbabakasyon, hindi naman nakakaiwas si Sarah sa mga mata ng publiko, lalo pa't madalas niyang makasama ngayon ang boyfriend na si Matteo Guidicelli at ang pamilya nito.

Noong July 3, nagpakita ng suporta si Sarah kay Matteo para sa launch ng bagong denim collaboration nila ng fashion designer na si Avel Bacudio.


May pagkakataon ding sumama si Sarah sa isang gym session ni Matteo.

Noong nakaraang linggo, sinugod ni Matteo sa beterinaryo ang isa sa pinakamamahal niyang alagang aso na si Ragu.

Kasama niyang bumisita kamakailan si Sarah.

Hindi lang si Matteo ang madalas na nakakasama ni Sarah.

Paminsan-minsan ay nakakasama rin nila ang pamilya ng actor-singer.

Narito ang lunch date ng AshMatt kasama ang nanay ni Matteo na si Glenna Guidicelli sa restaurant nilang Da Gianni sa Westgate, Alabang, Muntinlupa.

Kahapon, nag-post naman si Matteo ng video sa kanyang YouTube channel, kung saan sinorpresa nila ang kanyang nakababatang kapatid na si Paolo sa football practice nito.

Kasama ni Matteo si Sarah, ang kanyang mga magulang na sina Glenna at Gianluca, at ang family friend na si Teacher Pisha Villa-Abrille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Magdiriwang ng ika-30 kaarawan si Sarah sa July 25.

Madalas ay inaabangan ng fans ng magkasintahan, na mas kilala bilang AshMatt, kung ano ang adventure na gagawin nila nang magkasama.


Stories We Are Tracking

Sarah gets birthday kiss from Matteo at Parrot's Beak
Sarah gets birthday kiss from Matteo at Parrot's Beak

Pagkatapos ng isang buwang bakasyon, balik-trabaho si Sarah para tapusin ang pelikulang Miss Granny.

Co-stars ni Sarah sa Miss Granny sina James Reid at Xian Lim. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan simula sa August 22.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN