Rocco Nacino reacts to Jolo Revilla's "Bola muna bago droga" blooper

IMAGE @nacinorocco and @jolo_revilla on Instagram

Kapuso actor Rocco Nacino (left) posts a reaction about the "Bola muna bago droga" blooper of Cavite Vice Governor Jolo Revilla (right). The two men were ex-boyfriends of actress Lovi Poe.


Lumilikha ngayon ng ingay sa social media ang sinabi ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na "Bola muna bago droga."

Sinabi ito ni Jolo sa kanyang courtside interview sa basketball match sa pagitan ng Bulacan Kuyas at Bacoor City Strikers sa Maharlika Pilipinas Basketball League, na ginanap sa Strike Gym, Bacoor City, noong Huwebes, July 12.

Buong pahayag ni Jolo, "Siyempre, unang-una, nagpapasalamat tayo sa suporta ng bawat Bacooreño dito sa lungsod ng Bacoor.

"At siyempre sa lahat ng mga nanonood ng MBPL, maraming salamat.

"Tama iyang ginagawa ninyo, bola muna bago droga."

Agad namang binawi ni Jolo ang kanyang huling pahayag nang matantong may mali sa kanyang sinabi.

Bawi niya, "Actually, bola muna hindi droga."

Pero hindi ito pinalampas ng mga netizen na pinaulanan ng batikos at memes ang actor-politician.

Isa sa mga nag-react dito ay ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Tweet ni Rocco noong Biyernes, July 13: “’Bola muna bago droga..’ [laugh and facepalm emojis] sarap sampalin.”

Incidentally, sina Rocco at Jolo ay parehong naging boyfriend ng aktres na si Lovi Poe.

Narito ang iba pang reaksiyon ng netizens sa blooper ni Jolo:






ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN