Barbie Imperial posts new photo showing bruises, scratches

IMAGE Instagram @msbarbieimperial

Muling nagbahagi si Barbie Imperial ng larawan na nagpapakita ng mga galos sa kanyang kanang braso. Ngunit hindi pa rin binibigyang-linaw ng 19-year-old Kapamilya actress kung paano niya nakuha ang mga ito at pati na rin ang espekulasyong nagdadawit sa kanyang ex-boyfriend na si Paul Salas sa isyu. 


Usap-usapan pa rin sa social media ang mga tinamong pasa ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Kahapon, July 16, muling nagbahagi si Barbie ng litrato kung saan kapansin-pansin ang mga pasa at gasgas sa kanyang braso.

Kasama ni Barbie sa litrato ang kanyang ina na si Bing Imperial, na siyang kinukuhanan umano ng lakas ng loob ng Araw Gabi actress sa gitna ng pinagdadaanan niyang personal na problema ngayon.

Ang matalinhagang caption ni Barbie: "I am strong because a strong woman raised me. You're all I need mama. I love you. Thank you @imperial_bing"

Mayroon ding hiwalay na Instagram post ang ina ni Barbie kunsaan nagpaabot siya ng buong suporta sa anak.

Sabi ni Bing patungkol kay Barbie, "Maraming nagmamahal sayo."

Maraming nagmamahal sayo.??????????

A post shared by Bing Imperial (@imperial_bing) on

Hindi maiwasang mabigyan ito ng kahulugan ng Instagram followers ni Barbie.

Tanong ng netizens: Bakit may pasa at gasgas si Barbie? Sino ang may gawa nito? Sino ang nakaalitan niya?






Walang malinaw na pahayag si Barbie ukol sa isyu, maliban sa kanyang paalala sa sariling manatiling matatag sa kabila ng kung anumang pinagdadaanan nito.

BARBIE'S DELETED TWEETS. Noong Sabado ng gabi, July 14, naging kontrobersiyal ang pahayag ni Barbie tungkol sa physical abuse.

Ayon sa Twitter post ni Barbie, “Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Mayroon ding hiwalay na Instagram post si Barbie kung saan ipinakita nito ang ilang litrato ng kanyang pasa sa bandang kaliwang bahagi ng dibdib niya at mga galos sa braso.

Burado na ang mga ito sa social media accounts ni Barbie, ngunit may ilan sa mga tagasuporta niya ang nakakuha ng screenshot ng mga ito.

Kasabay nito ay nasangkot sa isyu ang ex-boyfriend ni Barbie na si Paul Salas na diumano’y nakaalitan ng aktres.

IN DEFENSE OF PAUL. Sa gitna ng kontrobersiya, umapela ang kaibigan ni Paul na si Kristoffer Martin na huwag agad manghusga ang netizens hangga't walang pormal na paliwanag ang magkabilang kampo ng celebrity couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati ang ama ni Paul na si Jim Salas ay nagbahagi ng matalinhagang quote card na pinaniniwalaan ng netizens na may kinalaman sa kontrobersiyal na tweets ni Barbie tungkol sa physical abuse.

Sabi sa quote card mula sa Instagram post ni Jim kahapon, July 16, "Don't play the victim to circumstances you created."

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opisyal na pahayag sina Barbie at Paul sa pamamagitan ng Instagram direct messae ngayong Martes, July 17.

Agad ilalathala ng PEP.ph sakaling mag-isyu ng anumang pahayag ang mga ito.


Stories We Are Tracking

Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN