Rocco Nacino deletes tweet about Jolo Revilla's blooper; says sorry

IMAGE @jolo_revilla and @nacinorocco on Instagram

Kapuso actor Rocco Nacino (right) apologizes for tweeting about Cavite Vice Governor Jolo Revilla's (left) "Bola muna bago droga" blooper.


Humingi ng paumanhin ang Kapuso actor na si Rocco Nacino matapos siyang mag-react sa “Bola muna bago droga” blooper ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Sa ginanap na basketball match ng Maharlika Pilipinas Basketball League sa Strike Gym, Bacoor City, noong Huwebes, July 12, ay nagbigay ng pahayag si Jolo.

Bahagi ng mensahe ng actor-politician, “Tama iyang ginagawa ninyo, bola muna bago droga.”

Pero agad niya itong binawi nang matantong may mali sa kanyang sinabi.

Aniya, “Actually, bola muna hindi droga.”

Ngunit nag-viral na ang video ng blooper ni Jolo at binatikos ng maraming netizens.

Isa si Rocco sa mga nag-react dito.

Tweet ng Kapuso actor: “Bola muna bago droga... sarap sampalin.”

Nailathala ang naging reaksiyon ni Rocco at maraming netizens ang hindi ito nagustuhan.


Stories We Are Tracking

Rocco reacts to Jolo's
Rocco reacts to Jolo's "Bola muna bago droga" blooper

Ngayong Martes, July 17, muling nag-tweet si Rocco upang humingi ng paumanhin dahil sa kanyang naunang tweet.

Buong mensahe ni Rocco, “Mali na nagcomment ng ganon, pasensya na at ako'y humihingi ng tawad sa mga nagalit.

“It just really made my day! At the end of the day, tao nga lang talaga tayo lahat nagkakamali hehe.”

Burado na rin ang tweet ni Rocco tungkol sa blooper ni Jolo.

Sina Rocco at Jolo ay parehong naging nobyo ng aktres na si Lovi Poe.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN