Meg Imperial admits to battling depression; reveals past mutual understanding with JM de Guzman

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial reveals she experienced depression after a career slump and her past weight gain. But the actress says she is now taking better care of herself and avoiding stress. 


Umaming na-depress si Meg Imperial dala nang naudlot niyang pagsikat sa showbiz at ng ilang hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Meg, sa nakaraang 2nd The Eddy Awards 2018 noong July 9 sa The Theater at Solaire, isa-isang inilahad ng aktres ang kanyang pinagdaanan.

Bungad niyang salaysay, “Before, I got depressed, di ba?

"Of course, career-wise and family matters din, way back pa when I signed pa with ABS-CBN.

"Then I recovered from it na. Siguro na-depress ako noon because I’m the breadwinner of the family.

"But ngayon, nagbi-venture na rin ako into business, so hindi na ako sobrang into projects na, 'Uy, kailangang may projects ako.'"

Nagpalipat-lipat si Meg ng network—mula sa TV5, nagtungo ito sa ABS-CBN kung saan naging Star Magic artist ito, at ngayon ay nasa GMA-7.

Mula sa GMA Artist Center, ang humahawak na ngayon ng career ni Meg ay ang VIVA Artists Agency. 

Kuwento pa ni Meg, “Si Boss Vic [Del Rosario, Viva Productions president], pina-plan na talaga nya kung ano ang gusto niyang gawin sa akin.

"Unlike before, lahat ng projects na dumating accept na lang. Like, hindi na napipili which one is the right one.

“Now, I’m happy with my life, enjoying adulting, hahahaha!” pagtukoy ni Meg sa buhay adulthood.

Patuloy pa ng 25-year-old actress, “Yeah, it’s really hard first kasi my dad passed away.

"So, then it teaches me lesson in life like you have to grow for my family."

DEALING WITH ADVERSITY. Nagbida sa Kapamilya teleserye na Moon of Desire si Meg. Co-star niya ang baguhan pa lang noong si Ellen Adarna na galing sa GMA-7.

Nang matapos ang serye, tila napag-iwanan ni Ellen si Meg na noo’y unti-unting nawalan ng TV projects.

Paliwanag niya sa lumamlam na career, "Well, because of my depression I gained a lot of weight. And it’s really hard na maibalik yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Meg, umasa siyang magsusunod-sunod ang malalaking projects niya nang maumpisahan ang pagbibida niya sa Moon of Desire.

Aniya, “Of course that was the plan. Maraming nakalinya na nasabi sa akin that time.

"But then nga, hindi natuloy pero, well, part of it rin na napabayaan ko rin talaga ang sarili ko."

Patuloy niya, "Hindi pa ako nakaka-recover from that depression.

"So, nagri-rest ako. I make sure na I love myself or to learn to love myself para ma-accept ko [ang sarili ko] for who I am.

"Kasi lumaki ako, and then I started when I was young.

"So, parang na-brainwash yung utak ko na I have to please everybody.

"But then the fact na ganun ang kinalakihan ko, hindi ko ni-recognize who I really am.

"Ngayon mas kilala ko na ang sarili ko. I’m not anymore insecure.

"I don’t care kung anuman ang sabihin nila, [I will ] just be myself."

Mas gusto pa rin daw ni Meg na magkaroon ng maraming projects.

Paliwanag niya, “Of course, much better kung may projects ako kasi this is my passion talaga.

"But hindi na ako yun sobrang sasama yung loob ko kapag hindi ako natanggap sa ganito or hindi ako nakuha.

"Siguro, for me, it’s a blessing in disguise na everything happens for a reason.

"May mga projects na hindi natutuloy, pero may mga bagong darating.”

Hindi raw dumaan si Meg sa isang psychiatric therapy o nagpakunsulta sa isang psychiatrist, bagay na ikinakampanya ng mga propesyunal upang maagapan ang iba't ibang uri ng mental illness.

Ngunit para kay Meg, mas nakatulong ang talk therapy sa kanya.

Aniya, “Actually, self-medication lang, and it works naman.

"I talk to a lot of people na I feel comfortable with.

"Hindi ko masyadong kinakausap ang mom ko about it, kasi ayoko ring masyadong ma-feel niya yung burden na dinadala ko. I’m happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'M HERE FOR HIM." Sa isyu ng pagkaka-link nilang dalawa ni JM de Guzman, iginiit ni Meg na hindi nauwi sa romantic relationship ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

“Hindi naging kami,” pahayag ng sexy actress.

Pero nagkaroon daw sila nang unawaan ng lead actor ng seryeng Araw-Gabi.

“But we have, maybe understanding? Super short lang, a month lang?”

Dagdag niya, “Sobrang bilis kasi nang mga nangyari, e.

"Maybe inaalam, kinikilala pa rin nya ang sarili niya.

"But, of course, I’m here for him. Sinabi ko naman yun sa kanya.

“Ngayon nagbabalik nga siya, nandoon ako sa, 'Okay,  If you need someone to talk to. I’m always here.'

"Nakita ko naman sa kanya na he’s really doing good."

Hindi itinanggi ni Meg na meron pa rin silang communication ni JM, pero malabo raw na madugtungan ang naudlot nilang mutual understanding.

Sabi pa ni Meg, “Wala, I’m dating someone, so… hahaha, cannot be, yes, Oo.”

Samantala, lalabas na ngayong July 18 ang movie project ni Meg na Jacqueline Comes Home, na kinabibilangan ng kapwa niya Viva artist na si Donalyn Bartolome.

Umaani ng maraming diskusyon ito ngayon sa social media, dahil ito ay tungkol sa Chiong sisters na sina Jacqueline at Marijoy, na diumano'y kinidnap, ginahasa, at pinatay noong July 16, 1997.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang katawan ni Jacqueline at kontrobersyal pa rin ang naging desisyon ng korte rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN