Rachel Peters posts anniversary message for Camarines Sur Governor Migz Villafuerte

IMAGE Instagram

Rachel Peters and Camarines Sur Governor Migz Villafuerte celebrate their fourth anniversary as a couple in a luxury resort in Siargao. Part of Rachel's message for Migz said, "I thank my lucky stars every day that fate for brought us together."


Apat na taon nang magkarelasyon si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at incumbent Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Nitong nakaraang Lunes, July 16, isang mensahe ang ipinost ni Rachel sa kanyang Instagram account kalakip ang dalawang larawan nila ni Migz sa isang masayang mood.

Makikita sa unang photo na nakasakay sa likod o naka-piggyback ride ang beauty queen sa kasintahan na parang naglalaro lang ang dalawa.

Sa ikalawang larawan, magkaharap sa isang beach table set-up ang magsing-irog para sa kanilang fourth anniversary celebration.

Sa unang paragraph ng message caption, nagpahayag ng kaligayahan si Rachel sa pagmamahal at atensiyong ipinakikita sa kanya ni Migz.

Ani Rachel sa kanyang caption, “4 years in and he still makes me laugh [heart emoji]. Thank you my love for always having my back & for being a constant reminder that life is good (it truly is). I thank my lucky stars everyday that fate for brought us together [stars emoji]”

Sa ikalawang paragraph, nagpasalamat si Rachel sa luxury beach resort na kanilang tinuluyan, na nag-ayos ng special dinner para sa kanilang dalawa ni Migz.

Ayon pa sa karugtong ng message, umpisa pa lang ito ng selebrasyon ng kanilang anniversary.

“and that was only the beginning. Super grateful for a wonderful weekend.”

Maituturing na long distance ang relasyon nina Rachel at Migz dahil sa kani-kanilang residency.

Madalas ang 26-year-old beauty queen-entrepreneur sa Siargao kung saan mayroon siyang coffee shop, samantalang sa Bicol at Manila namamalagi ang 29-year-old Camarines Sur governor para sa kanyang public service.

Pero hindi hadlang ang long-distance para mapanatili ang kanilang matamis na pag-iibigan.

Pinupuntahan ni Migz si Rachel sa Siargao, at may mga pagkakataon namang magkasama silang nagbabakasyon abroad.

Bukod dito, ipinakita rin ni Migz ang buo niyang suporta nang lumipad ito sa Las Vegas, Nevada, sa U.S. kasama ang ilang kaibigan para sa laban ni Rachel sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nagkakilala sina Rachel at Migz noong 2014 nang dumalo ang beauty queen sa Kaogma Festival, ang taunang foundation celebration ng Camarines Sur.

Nong May 2017, nag-post si Rachel ng mensahe kalakip ang larawan nilang dalawa ni Migz, sa Kaogma Festival.

Sa kanyang mensahe, inalala nito ang araw ng kanilang pagkikita ni Migz at ang tatlong taon na nilang relasyon.

“Camsur at this time of the year will forever hold a special place in my heart. 3 Miss Kaogma’s ago is when i met my love @migzvillafuerte. Now we’re at the tail end of Kaogma 2017 - it’s been ahmazing. Thank you to everyone who came out to celebrate!!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN