Willie Revillame mulls running for QC mayor or senator, says Dinky Doo

IMAGE Facebook

Willie Revillame is still deciding whether to run for a seat in the Senate. Dinky Doo says there's a "75 percent" chance he will. The Wowowin host is also thinking of running for Quezon City mayor.


Ang director-actor na si Dinky Doo ang pangunahing supporter ni Willie Revillame sa sandaling magdesisyong tumakbo  ang Wowowin host sa pagka-alkalde ng Quezon City o bilang senador.

Willing din itong maging campaign manager ng TV host.

Kuwento ni Direk Dinky, "Actually, hindi pa campaign manager. Hindi pa campaign manager parang...

"Siyempre kung talagang tatakbo, bakit hindi maging campaign manager kung gusto ni Willie?"

Pinaniniwalaan ni Dinky na magandang kuwalipikasyon ni Willie ang pagiging successful sa kanyang karera, isang dahilan kaya hindi na ito maaakusahan ng korupsyon.

Aniya, "Actually kina-campaign ko na din siya, kasi kina-campaign ko na siya sa Marawi, sa Mindanao.

"Naniniwala kasi ako sa kanya na kailangan niya na tumakbo.

"Kasi madami na siyang pera, kasi hindi na siya magko-corrupt, di ba?

"At saka may basbas siya ni Presidente [Rodrigo Duterte] na talagang sabi nga, e, di ba, eto ang dapat na tumakbong senador."


Stories We Are Tracking

Willie spotted in serious conversation with Pres. Duterte
Willie spotted in serious conversation with Pres. Duterte

Isa raw si Dinky sa mga kumukumbinsi kay Willie na tumakbo bilang public official.

Aniya, "Sabi ko sa kanya, 'Actually andami mong tinutulungan. Kahit hindi ka tumakbo, marami na. Pero mas lalo kang madaming matutulungan kung tatakbo ka at mananalo.'

“At saka ang buong Pilipinas, talagang gusto nila na mag-run siya, hindi dahil gusto niya lang.

“Sa Mindanao, sa PDDS namin, di ba, sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan, gusto siyang tumakbo."

Ano ang sabi ni Willie?

“Okey siya! Nagpapa-survey siya, kailangan makita niya yung survey.

"Kailangan niya daw makita yung pulso ng masa.

“Hindi ganun kadali, di ba?

"Iikot kami actually, kahit wala yung idea na tatakbo siya.

"Iikot kami sa buong Pilipinas for anti-drug basketball ng Wowowin. 

"So, para sa mga kabataan, andun yung advocacy niya, e. Kaya ayun ang maganda dun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dinky sa story conference ng pelikulang DAD I Hate Drugs, na ginanap sa Beats Restaurant, Quezon City, noong July 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAYOR OR SENATOR? Para kay Dinky, mas mainam na tumakbo si Willie sa pagka-senador, kaysa mayor ng Quezon City.

Paliwanag niya, “Senator, kasi pag senador kasi, puwede pa siyang mag-Wowowin, e.

“Pagka nag-mayor siya, mahihirapan na.

"Kasi magiging ama siya ng lungsod, mawawalan siya ng oras sa Wowowin. 

"E, marami din siyang napapasaya at natutulungan sa kanyang show."

Pero napag-uusapan na ba nila ang posibleng pagtakbo ni Willie?

Sagot ni Dinky, "Yeah, hanggang ngayon. Kanina magkausap kami. Pupunta kami ngayon dun kay Willie."

Kailan magde-decide si Willie kung tatakbo siya either as mayor or senator?

“Well, una, katulad ng sinabi ko, may basbas siya kay Presidente.

“Pangalawa, yung mga taong-bayan, mga taong Pilipino, gusto siyang tumakbo.

“Pangatlo, hinihintay niya yung sign ni God.

“Sabi niya, 'Tama yung sinasabi ko, but the Lord has his plan for us, not my plan but His plan, ayun ang hintayin natin.'"

Dagdag ni Dinky, “Sa ngayon, medyo na-inspire siya, pero gusto niya yung plano ng Diyos. Mararamdaman niya yun, e."

Ilang percent yung chance na tatakbo na si Willie?

"I think 75 percent."

Sa pagka-senator ba?

"Well, of course, dapat ganun, dapat ganun."

ANTI-DRUG CAMPAIGN. Sa ngayon ay abala si Willie sa kanyang anti-drug campaign, na sabi ni Dinky ay halos paghahanda na rin sa maaaring pagtakbo ng TV host.  

“Ayun, yung iikot kami, yung Wowowin basketball ng mga artista na kasama siya. Bumili na nga siya ng bus, e.

“Libre ito, walang bayad, eto yung anti-drugs campaign kasi niya.

"Eto ang advocacy niya, mamigay ng jacket, mamigay ng pera.

"Committed na siya dun, kahit wala sa studio, lalabas siya.

“Eto yung taong hindi pa tumatakbo pero namimigay na, e.

"Hindi siya humihinto sa pamimigay niya, ayan ang maganda sa kanya.

“Siya at saka si President Duterte, pareho ang ugali nila. Pero siyempre, siya talaga ang magde-decide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Need niya ng go signal spiritually, ayun lang talaga."

Pagtatapos ni Dinky, “Abangan na lang natin, next year pa naman ang eleksiyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN