Sharon Cuneta defends JoshLia amid issues about box-office performance of I Love You, Hater

IMAGE @reallysharoncuneta and @juliabarretto on Instagram

Sharon Cuneta posts message of support for Julia Barretto and Joshua Garcia amid issues about the box-office performance of the latest JoshLia movie I Love You, Hater. "IT DOES NOT EVER MATTER WHAT OTHERS HAVE TO SAY. Listen to your hearts," says the Megastar.


To the rescue si Sharon Cuneta kina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ito ay kaugnay ng pang-iintriga ng ilan dahil sa "disappointing" box-office results ng bagong pelikula ng JoshLIa, ang I Love You, Hater.

Kasama nina Julia at Joshua sa pelikula si Kris Aquino.

Sinasabing hindi umano na-meet ng pelikula ang box-office expectations nito.

Ayon sa Star Cinema, kumita ang I Love You, Hater ng P44 million sa loob ng limang araw.

Mas maba ito kumpara sa mga naunang pelikula ng film outfit ng ABS-CBN.

Kahapon, July 17, nag-post ng open letter sa Instagram si Julia upang ihayag ang kanyang saloobin sa mga bumabatikos sa kanilang pelikula, partikular na ang performance nito sa box-office.

Sabi pa ng 21-year-old Kapamilya actress, "We are not going to allow any kind of negativity to lurk around our film."

SHARON’S MESSAGE TO JULIA AND JOSHUA. Ni-repost ni Sharon ang Instagram post ni Julia kalakip ang mensahe niya para sa JoshLia.

Nakasama ni Sharon sina Julia at Joshua sa 2017 blockbuster film na Unexpectedly Yours, na pinagbidahan din ni Robin Padilla.

Sa pelikula ring ito naging close ang Megastar sa JoshLia, na itinuturing niya ngayong mga anak.

Sa simula ng mensahe ni Sharon, ipinahayag niya ang pagmamahal, suporta, at pagbati sa JoshLia sa kanilang pelikula.

Aniya, “You will be counting more blessings that are presently on their way to you. Trust me, because I KNOW from experience that GOD is faithful.”

Dugtong ng 52-anyos na singer-actress, huwag nilang pansinin ang bumabatikos sa kanila.

“IT DOES NOT EVER MATTER WHAT OTHERS HAVE TO SAY. Listen to your hearts. That’s most likely God talking to You. Stay grateful!”

Ayon kay Sharon, dapat magpasalamat sina Julia at Joshua dahil ibinigay ng Star Cinema ang tiwala sa kanila para magbida sa pelikula.

“Kung may anumang intriga, BE GENEROUS IN SPIRIT na lang because you do not owe anyone an explanation for anything. I LOVE YOU. I WILL BE HERE FOR YOU ALWAYS. Your loving Momma.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakiusap din si Sharon sa lahat na huwag intrigahin ang kanyang "adopted kids."

“Please, no matter who you are - everyone - be GENTLE and KIND to my kids Julia and Joshua. I have, after all, “adopted” them as my own. No mommy shall allow her own kids to be hurt without standing up for them.

“You WILL HAVE TO GO THROUGH ME FIRST. LET’S BE RESPECTFUL of one another because truly, I’m way too happy and too busy to be engaged in any kind of battle. So are my 'babies.'

"God bless you. Let’s all keep the peace and just be happy and supportive of one another.”

Sa comments section, nagpasalamat naman si Julia at ina nitong si Marjorie Barretto kay Sharon dahil sa pagmamahal at malasakit nito kay Julia.




Stories We Are Tracking

Julia defends Kris:
Julia defends Kris: "She did not ruin the movie."
Kris Aquino
Kris Aquino "disappointed" by box-office performance of film



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN