Sharon Cuneta clarifies there is no problem between her and Kris Aquino

IMAGE @reallysharoncuneta on Instagram / Noel Orsal

Sharon Cuneta assures netizens that she has no problem with Kris Aquino, and asks them not to make an issue.


“We have no problem so let’s not make one.”

Ito ang paglilinaw ni Sharon Cuneta, 52, sa ilang netizens na nagtanong kung mayroon ba silang isyu ni Kris Aquino, 47.

May ilang netizens kasi ang nakapansing hindi binanggit ng Megastar ang Queen of All Media sa kanyang Instagram post, kung saan nagpahayag siya ng suporta at pagmamahal para kina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nakasama at naging malapit si Sharon sa JoshLia dahil sa 2017 movie na Unexpectedly Yours.

Inuulan ngayon ng intriga ang Kapamilya love team dahil sa resulta sa box-office ng kanilang pelikulang I Love You, Hater, kung saan kasama rin si Kris.

Sa comments section, ilang netizens ang nakapansing hindi binanggit ng Megastar si Kris kaya nagtanong ang mga ito kung may problema sila.

Nilinaw ni Sharon na wala silang isyu ni Kris at wala siyang balak gumawa ng isyu sa pagitan nila.

Binati rin daw niya si Kris sa kanyang mensahe para kina Julia at Joshua.

Sabi ni Sharon, “I acknowledged Kris because this is also her movie.

“But I am being supportive of the one who wrote the open letter because I love her and she deserves my support.”

Diin pa niya, “There is no problem between me and Kris so let’s not make one.”

Sa isa pang komento ng netizen na ganun din ang katanungan, sagot ng Your Face Sounds Familiar Kids coach, “We have no problem and I certainly do not want to cause one.

"I am merely giving my Julia and Joshua love and support which they deserve."





Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta defends Julia, Joshua against haters
Sharon Cuneta defends Julia, Joshua against haters


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN