JM de Guzman refuses to comment on Barbie Imperial-Paul Salas controversy

IMAGE Nerisa Almo

JM de Guzman on Barbie Imperial-Paul Salas controversy: "Feeling ko naman, maaayos lahat."


Tumangging magbigay ng pahayag si JM de Guzman tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ng leading lady niyang si Barbie Imperial at ex-boyfriend nitong si Paul Salas.

Magkatambal sina JM at Barbie sa ABS-CBN afternoon drama series na Araw Gabi.

Sa isang panayam, nabanggit noon ni JM na paminsan-minsan ay napag-uuusapan nila ni Barbie ang mga personal na bagay sa kanilang buhay.

Kaya naman sa set visit kamakailan ng bagong pelikulang ginagawa niya, ang Kung Paano Siya Nawala, natanong ang aktor tungkol sa usap-usapan ngayon na diumano'y pisikal na pang-aabusong natanggap ni Barbie.

“Ayaw ko muna sigurong mag-comment dun sa isyu nila.

“Pero sa tingin ko, naha-handle naman nila nang maayos,” paiwas na sagot ni JM.

Dahil madalas niyang nakakasama sa set si Barbie, tinanong din si JM kung sa palagay ba niya ay may pinagdadaanan ang dating magkasintahan.

“Sa tingin ko... Pero feeling ko naman maaayos lahat,” ang matipid na sagot ng aktor.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol dito nang mag-post ang 19-year-old na si Barbie ng mga larawang nagpapakita ng mga galos niya sa katawan sanhi umano ng pananakit.

Hindi tinukoy ni Barbie kung sino ang pisikal na nanakit sa kanya, ngunit karamihan ng kanyang fans ay iniuugnay ang 20-year-old ex-boyfriend niyang si Paul.

Nagsanga-sanga na ang isyu simula nito.

Bukod kay Barbie, may post din ang ama ni Paul na si Jim Salas na tila parinig tungkol sa isyu, at lumabas din sa publiko ang diumano'y mensahe ng ina ng binatang aktor kay Barbie.

Gayunman, wala pa rin direktang nag-uugnay kay Paul sa naburang posts ni Barbie.


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Paul Salas's dad reacts to Barbie Imperial's loaded tweets
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches
Alleged message of Paul Salas mom to Barbie leaked online
Alleged message of Paul Salas mom to Barbie leaked online

WORK AS USUAL. Sa kabila ng mga pangyayari, tuloy pa rin ang trabaho para kina JM at Barbie.

Sa katunayan, marami pa raw mga kaabang-abang na eksena na matutunghayan ang mga manonood ng Araw Gabi.

Kaugnay nito, nagpasalamat si JM sa mga taong sumusuporta pa rin sa kanilang programa, lalung-lalo na sa tambalan nila ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako na maraming tao ang nakaka-connect sa kanila.

“It's a team effort, actually, pinaghirapan namin ng buong team.

"Ayun, we just keep on doing our best," sabi ng aktor.

Para sa mga napapaisip kung may namumuong espesyal na relasyon sa dalawa, ito ang natatawang sagot ni JM, “Iba yung priorities naming dalawa. Pero nakakakilig, nakakakilig na ganun ang naisip nila.”

NEW MOVIE. Bukod sa teleserye, masaya rin si JM sa pagbabalik niya sa pelikula.

Sa pagkakataong ito, hindi lamang siya aktor, isa rin siya sa mga producer ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

“Sobrang blessing sa akin. Hindi ko ini-expect na bibigyan ng opportunity ng TBA na mag-co-produce ng movie. Mas challenging, mas iba ang experience,” ani JM.

Kahit hectic ang schedule, na-enjoy pa rin daw ni JM ang mga pagkakataong ibinibigay sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“Na-miss ko nang sobra [ang gumawa ng pelikula], pero sobra ring challenging for me.

“Siyempre, may pressure pa rin, pero nae-enjoy ko pa rin.

“Lahat naman ng ibinibigay na blessing, excited ako.”

Co-star at co-producer ni JM ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa pelikulang ito, na inaasahang maipalalabas later this year.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN