Kris Aquino slams netizen accusing her of publicly humiliating makeup artist, assistant

IMAGE Cyrus Panganiban for PEP.ph

Kris Aquino on close relationship with makeup stylist RB Chanco: "Hhindi rin nila alam kung paano mo ko direchuhin tungkol sa love life & pag tripan pag may bagong playlist dahil alam na may nangyari na naman with... quiet na tayo."


Inalmahan Kris Aquino ang akusasyon ng isang netizen na wala raw siyang pakundungan kung pahiyain ang kanyang makeup stylist na si RB Chanco at assistant na si Jack Salvador.

Sa comments thread ng Instagram post ni Kris ngayong araw, July 18, kinuwestiyon ng Instagram user na si @leecoj88888888 ang diumano’y pamimintas ni Kris sa dalawang malapit na katrabaho.

Sagad na raw ang pagiging “taklesa” ni Kris.

Pahayag ng netizen: “UTANG NA LOOB kahit friends kayo ni @rbchanco bakit mo pinapahiya yung tao na sabihin that you would only be flattered to be compared to RB if she had her teeth fixed and you even made disparaging remarks about RB's look without makeup.

“Even if you are 'friends', do you have to publicly humiliate her?

“You also did that to jacksalvador inside the elevator at ABS commenting on camera that jack should not make siksikan and take the next lift instead because he's too big.

“Im sure this Jack does not mind because you are 'friends'.

“Im sure you would say im bashing you.

“But for someone who is outspoken herself... you must know how to separate the chaf from the grain.”


Buwelta ni Kris, kapamilya na ang turing niya kay RB.

Walong taon na raw niya itong makeup artist at madalas na kasama kapag pumupunta ang TV host-actress sa ibang bansa para sa trabaho o bakasyon.  

Hindi lang daw nakikita ng publiko kung paano siya ganting-asarin ni RB pagdating sa kulitan nila off cam.

Direktang komento ni Kris sa kanyang makeup stylist: “@rbchanco i love you... and you also know how Bimb defends you.

“And I will never forget na ikaw yung tumatayo para tulungan si kuya magbathroom... that's what this person didn't see-na roommate ka na namin & just as simple as that- FAMILY na tayo...

“hindi rin nila alam kung paano mo ko direchuhin tungkol sa love life & pag tripan pag may bagong playlist dahil alam na may nangyari na naman with... quiet na tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanap muna ako ng lilipatan sa Makati. I love you with my whole #rbeautified being.”


NOT OFFENDED. Dinepensahan din ni RB si Kris at sinabing hindi isyu ang pang-aalaska nito sa kanya.

Komento ni RB sa parehong comments’ thread, “@leecoj88888888 I have been working with Kris for the past 8 years, and more than that we are close friends.

“There's really no need to be upset, because I'm NOT AT ALL OFFENDED.

“If you can get to know her, you will definitely change your perception of her. And you will get to know her good heart.”

Dagdag ni RB, malalim na ang pinagsamahan nila ni Kris.

“Love you Kris. Between you and me, kung alam lang nila, bawing bawi na ako and unfortunately , these are things I cant share here because yung closeness natin – we have our secrets worth an investment that we have to guard it with our lives and keep it with love.”



JOKE BETWEEN FRIENDS. Sa parte ng assistant ni Kris na si Jack, hindi rin daw nito pinepersonal kung anuman ang hirit ng TV host-actress sa kanyang timbang.

Si Jack ay malapit na assistant at bahagi ng digital team ni Kris.

Ani Jack, “@leecoj888888 hi mam/sir bakit po parang galit na galit ka naman sa post mo? Pwede po bang relax po tayo and pwede bang kapayapaan nalang po?

“Yung mga ganun banat ni Madam... lambing at biro niya po un kasi ibig sabihin mahal niya yung tao.

“Kahit naman po siguro kayo pag naglalambing or nakikipag biruan sa mga friends niyo kulitan minsan. Wag po tayo masyadong sensitive at mag react.

“If you want invite nalang kita for a special movie date with @krisaquino para makita at makilala mo din siya. Positivity lang tayo :)”


Sa huli, nagpasalamat din si Kris sa pagtatanggol sa kanya nina RB at Jack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang hiwalay na larawan nina RB (left) at Jack (right) kuha kasama ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby:



ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN