Ahron Villena on nude photo scandal: "Hanggang tingin lang naman kayo."

IMAGE Instagram

Ahron Villena admits accidental nude photo upload increased his social media followers. "Yung followers ko biglang angat. Parang 20-30 thousand agad in a day... nakatulong siya. Lumaki yung fan base ko."


Itinanggi ni Ahron Villena ang haka-hakang umiiwas siyang mag-post ng mga larawan kasama ang ilang male friends tuwing nagbabakasyon sila upang hindi na mapagdudahan ang kanyang sekswalidad.

Paliwanag niya, “Wala namang dapat ikaiwas. Unang-una, may mga taong malilisyoso ang utak.

"Kasi it’s my choice, it’s my IG account, it’s my Facebook account.

"Kung hindi ako mag-post ng mga kasama ko, it's because my feed akong inaayos. May gusto akong ganyan, may gusto akong ganito."

Patuloy pa ng aktor, “Ang iba kasi, [sinasabi] 'Uy, may benefactor na kasama iyan, may male gay benefactor, ganyan-ganyan.

"Puro sila haka-haka lang naman.

"Nag-post ng ganitong picture, pareho ng shot, pagdidikitin.

"Nagbibigay ng malisya, which nakakahiya din naman sa taong kasama ko at sa mga taong kasama ko."

Napag-uusapan daw nila ito ng kanyang travel buddies.

Aniya, “Matagal nang issue ito, ah, matagal na matagal na. 'Dapat nag-post tayo ng picture para alam nilang grupo.'  'Oo nga.'

“Kumbaga, naapektuhan ako. Natatawa na lang sila.

"Sabi naman nila, 'Nasa showbiz ka kasi kaya may masasabi at masasabi sa iyo. Dedmahin mo na lang, alam mo namang wala, may kasama ka lang.'"

Himutok pa ni Ahron, “Sabi ko nga, life is so unfair.

"Pag may kasamang babae ang picture, friends. Pero pag lalaki kasama, may something. Something agad? 

“Mag-isip-isip naman, di ba? Tapos na ako doon, ayaw ko nang pag-usapan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron sa presscon ng pelikula nila ni Kakai Bautista, ang Harry & Patty, noong Lunes, July 16.

EXHIBITIONIST? Nang matanong ang Kapamilya actor tungkol sa pagiging exhibitionist diumano niya, agad itong nag-react kasunod ang kanyang pag-amin.

“Saan nanggaling iyan?” natatawa niyang tanong saka umamin sa ilang sexual encounters niya.

“Meron akong ano pagdating sa sex sa mga girlfriends ko. Alam nila yun.

"Alam nila yun na ‘lights on,’ sa may bintana, sa sofa, may ganun talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag namin kay Ahron na ang exhibitionist na tanong sa kanya ay tungkol sa ilang insidente ng pagpu-post niya nang nude o nakalabas ang kanyang private part. 

Hulyo noong nakaraang taon nang aksidente umanong mai-post ni Ahron sa IG Story ang isang nude selfie, kita ang bahagi ng kanyang private part.

Giit ni Ahron, “Hindi ako nagpakita, hindi naman sinasadya yun.”

Ikinatuwa raw ni Ahron ang positive reactions ng mga nakakita ng photo.

“Well, sabi nga nila,” nangingiti nitong sabi.

“O, masaya na kayo? Sabi ko nga, hindi ako proud sa sarili ko na ginawa ko yun.

“Ang dami namang nagsabi na, 'Okey lang iyan, may maipagmamalaki ka naman.'

"Pero hindi ko siya sinadya.

“Again, kung ano yung photo na yun, Boomerang kasi yun, may nakapag-grab na naabot pala.

"Katangahan ko, hindi ko pala... umabot pala sa nota ko yun."

Ang Boomerang ay isang video feature sa Instagram kunsaan may ilang segundong galaw na magiging pabalik-balik kapag in-upload.

Wala na raw magagawa si Ahron sa mga naging reaksiyon ng netizens ukol dito.

“Kung pinagpiyestahan ninyo, e, di thank you. Hanggang tingin lang naman kayo.”


Stories We Are Tracking

Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron Villena posts his nude photo on Instagram
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron apologizes for mistakenly uploading nude pic
Ahron Villena owns up to nude photo boo-boo
Ahron Villena owns up to nude photo boo-boo

NO INDECENT PROPOSAL. Malaking bagay rin ang naidulot ng nude photo ni Ahron para mapansin siya ng netizens.

Komento niya, “I guess, nakatulong siya, ang problema nga lang, ang daming bastos.

"Ang daming nagku-comment, nagdi-DM [direct message], mga bastos na alam mo yung, ‘Kelan ka po ulit gagawa ng nude photo, kelan ka magkakamali?' Ganyan.

“Siyempre, ako, 'Tanga?' Hindi ko na pinapatulan yung mga ganyan.

"Siyempre, tapos na, nangyari na, wala akong magagawa."

Ayon kay Ahron, wala siyang natanggap na indecent proposal matapos ang photo scandal.

“Actually, wala, may mga nagpaparamdam na ano. Hindi ko naman masasabing indecent proposal yun.

"Compared nung bata ako, yes. Nung mga nasa age ako na 25.

“Siguro dahil matanda na ako, mas gusto ng iba ng mas bata... wala, wala naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAD PUBLICITY IS STILL PUBLICITY. Kumalat din ang diumano'y larawan ni Ahron sa loob ng business class section ng isang eroplano.

Dito ay halatang sinadyang ipakita ang private part ng taong nasa larawan, na nakasuot ng brown leather jacket at jeans.

Maraming nagsabing si Ahron ito dahil may kuha rin ang aktor na nasa loob ng plane at pareho ang suot.

Ngunit tahasan itong itinanggi ni Ahron.

“Definitely, that’s not me. Kasi napakaimposible naman.

"Bakit ako maglalabas ng private part ko sa eroplano? Bakit ako maglalabas? Sira-ulo ba ako?”

Dugtong pa niya, “Bakit ko gagawin yun?

"Ang sabi ko nga nung makita ko yun, in fairness maganda ang pagkaka-edit, pero parang medyo maliit pa nga. 

“Hindi ako papayag na medyo maliit pa. Ano ‘to?

“Anyway, dinedma ko na, pinagpiyestahan na, e.

"So, yung Boomerang nude photo ko sa bahay ko, yes, inamin ko, yun ako yun.

"Pero yung sa plane, that’s not me.”

Itinuturing na lang daw ni Ahron na favorable sa kanyang karera ang nude scandal niya.

Bida ngayon si Ahron sa Harry & Patty, kung saan kasama niya si Kakai Bautista, ang kaibigang minsan nang na-link sa kanya.

“Paglabas ng Harry & Patty, siguro sasabihin ng tao, 'Ay, eto yung may scandal, ah.'

"Baka maalala din nila. 'Ay, panoorin nga natin. Ano kayang ipapakita nito sa pelikulang ito?'"

Patuloy pa ni Ahron, “Nakatulong siya, yes. Hindi na ako magpapaka-ipokrito.

"Sabi nga nila, pag nasa industry ka, good or bad publicity... basta walang drugs or malalang isyu.

“Ako, malakas akong uminom, pero sa drugs, no!”

SOCIAL MEDIA STATS INCREASE. Biglang nagkaroon daw ng malaking increase sa Instagram followers si Ahron nang ma-post ang kanyang hubad na larawan.

Natatawa niyang komento, “I remember, nung lumabas yung scandal kong yun na binura ko agad, umaabot yung views ko ng 70,000 sa IG stories ko, which is ang pinakamalaki ko lang is 21 to 30, maximum na, walang hubad-hubad yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung time na yun na sobrang peak ng pagkalabas ng scandal, 70,000 to 80,000 views.

"Siguro nag-aabang ng followup.

“Yung followers ko, biglang angat. Parang 20-30 thousand agad in a day... nakatulong siya.

“Lumaki yung fan base ko.

"Kasi para sa akin, half million [followers] sa IG, malaking bagay na sa akin. 

“Although, yung iba, may isang milyon na, masaya na ako na nakakalahating milyon na ako sa IG ko.”

Tiniyak ni Ahron na wala na siyang ia-upload na nude photo.

“Ay, hindi na,” sambit niya.

“Yung sinasadya na yun?

“Ano ito? Sinasadya na siya?

"Hindi na siya makakatulong, parang ang iisipin ng tao, nanadya na ito na parang umay na." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN