KC Concepcion to mom Sharon Cuneta: "I will always want you to feel that having me was worth it."

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion to mom Sharon Cuneta: "You will always be my first valentine, my first best friend, my 1st hero. All I want is to see you laugh & smile."


Ipinahayag ni KC Concepcion kung gaano niya kamahal ang inang si Sharon Cuneta sa kabila ng mga pagkakaiba nila.

Kamakailan ay nagkita ang mag-ina sa kanilang family reunion, at nag-post si KC ng mga larawan nila ng ina sa Instagram ngayong Huwebes, July 19.

Mensahe ni KC sa caption, "Mama & I may have a 19 year gap, I may have come to her life too early, or even unexpectedly, and we may have all our differences, but: @reallysharoncuneta You will always be my first valentine, my first best friend, my 1st hero. All I want is to see you laugh & smile."

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, sinabi ni KC na gusto niyang maramdaman ng ina na "worth it" ang pagsilang nito sa kanya.

"At the end of the day, I will always want you to feel that having me was worth it.

"And above all I know I will always choose LOVE."

Matagal ding hindi nag-post sina Sharon at KC ng kanilang larawan na sila lang ang magkasama. 

Bukod dito, maraming beses ding naging usap-usapan ng netizens kung nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina.

Sa isang social media post ng Megastar noong Mayo, inamin niyang iba na ang relasyon nila ng panganay na anak. 

“I somehow just lost her somewhere years back... though I love her very much and will be here for her anytime," pag-amin ng 52-anyos na singer-actress.


Stories We Are Tracking

Sharon opens up about strained relationship with daughter KC
Sharon opens up about strained relationship with daughter KC
Sharon says daughter KC is
Sharon says daughter KC is "exactly like her Pa" Gabby


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN