Claudine Barretto sends message of support to "sister" Kris Aquino

IMAGE Courtesy: @claubarretto / @krisaquino on Instagram

Ipinangako ni Claudine Barretto kay Kris Aquino na makakaasa ito ng suporta sa kanya kahit hindi sila madalas mag-usap o magkita.


Sari-saring kontrobersiya pa rin ang nakapalibot ngayon kay Kris Aquino.

Kabilang na rito ang hindi umano pagtabo sa takilya ng pelikulang I Love You, Hater taliwas sa inaasahan ng tao.

Kasama ni Kris sa pelikula ang magka-love team na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Sa gitna ng mga isyung kinahaharap, nakahanap ng kakampi si Kris sa katauhan ng aktres na si Claudine Barretto, tiyahin ni Julia.

Kahapon, July 18, nagpaabot ng mensahe si Claudine sa tinagurian niyang “sister” na si Kris sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon kay Claudine, hindi man sila madalas magkita o magkausap, nakasuporta siya kay Kris kahit sa malayuan.

“I may always be on the sideline but loving & supporting u from a far.

“Know that because I know 'The REAL' Kris whose happy for everybody’s success kahit napapanood o naririnig lang nya from others.

“To those lucky or should I say BLESSED to have the chance to get to know you we are always going to be here for u.”

Dagdag pa ni Claudine, “I hurt really when I see how u loved so hard only to be BETRAYED by those you’ve helped & loved like family.

“Now you will really know what true Family /friends mean! PEOPLE WHO DEFEND YOU IN YOUR ABSENCE ARE THE ONES YOU SHOULD KEEP CLOSE TO YOU!

“I luv u for being you, My Friend, Family my SISTER. #sistersforlife #gotyourbackalways”

Kaagad ding sumagot si Kris sa post na ito ni Claudine.

Saad ni Kris, “Clau—this means the world to me.

"Hindi kailangan malaman ng lahat all we’ve shared—12 years ago tayo yung unang nag P200M na movie—sa Sukob we became sisters.

"And that bond has remained. You didn’t have to do this—but you did. My undying gratitude.”

Tugon ni Claudine, “Awww. I luv u so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And as much as you are already loved by many, this message are for the few I Pray will get to know u & your Amazing heart & Soul.”


 

 

Taong 2006, nagkasama sina Kris at Claudine sa Sukob, isa sa highest-grossing films sa Pilipinas hanggang ngayon.

Muli silang nagkasama sa pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015, kung saan kasama rin sa cast sina Kim Chiu, Iza Calzado, at Cheena Crab.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN