Pia Wurtzbach on trans women joining Miss Universe: "It is allowed."

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach confirms that one does not have to be a natural-born woman to join Miss Universe pageant.


Pabor si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant.

“It is allowed in Miss Universe. You can compete, you can win.

"You don’t have to be a natural-born woman to win Miss Universe," pahayag ni Pia sa panayam ng ABS-CBN News noong nakaraang linggo.

MAXINE NOT IN FAVOR. Bukod kay Pia, pabor din si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray na sumali sa pageant ang trans women.

Pero salungat dito si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.

Paliwanag niya, “Kung gusto talaga nilang sumali, may mga pageants naman na for them, na right for them, so let’s just give them an idea na meron naman talagang pageant for them.

“Para naman equal din sa girls, di ba?

“Siyempre, may mga gusto din tayong i-share, lalo na sa mga women.”

Sagot naman ni Maxine sa impormasyong pinapayagan ng Miss Universe Organization (MUO) na sumali ang hindi natural-born women, “Well, that’s good. I don’t have anything to say, yung president [MUO] na ang nagsabi. So it’s with them.”

Bukod kay Maxine, hindi rin pumapabor si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na makasali ang trans women sa Miss Universe pageant, pero idiniin niyang nasa MUO pa rin ang desisyon at irerespeto niya ito.

Naging malaking usapin ang pagsali ng trans women sa Miss Universe dahil sa pagkakahirang kay Angela Ponce, isang trans woman, bilang Miss Universe Spain 2018.


Stories We Are Tracking

Catriona in favor of trans woman joining Miss Universe
Catriona in favor of trans woman joining Miss Universe
Winwyn not in favor of trans women joining Miss Universe
Winwyn not in favor of trans women joining Miss Universe


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN