Kakai Bautista on falling for Ahron Villena: "Sanay na sanay naman akong masabihan ng ilusyonada."

IMAGE Jerry Olea

Kakai Bautista admits falling for friend and Harry and Patty co-star Ahron Villena. She said she's not closing her doors on the possibility that their friendship would lead to something deeper. "Siguro in God's perfect timing, it would lead to something beautiful."


Inamin ni Kakai Bautista na “na-fall” o na-in love siya sa leading man niya sa pelikulang Harry & Patty (A beginning of a not so beautiful love story) na si Ahron Villena.

Ito yung mga panahong nagpapatutsadahan sila sa interviews at social media.

Sabi ng mga netizen, pa-fall daw kasi si Ahron.

Ngunit na-fall nga talaga si Kakai. 

“Oo naman, sanay na sanay naman akong masabihan ng ilusyonada,” pag-amin ng comedienne-singer.

“Ano pa ba ang hindi nasabi sa akin ng mga tao na masakit?

"Ilusyonada, ambisyosa, asyumera...

"Ano ba ang alam nila?  

"Wala naman silang alam sa totoong nangyari.”

Ayon pa kay Kakai, “Nasasaktan ako, pero façade lang yun.

“Deep inside me, alam ko naman ang totoong nangyari, di ba? Bakit ako masasaktan?”

Pinuri rin ni Kakai si Ahron.

Naging mabait naman daw itong talaga sa kanya.

“Naging mabuti naman siya sa akin. Inalagaan niya ako.  

"Kung alam niyo lang—dyusko, 'day, araw-araw ko iyang inaaway. Araw-araw kong binubuwisit.

“So, ganun talaga, malakas talaga ang topak ko.

“Pero pinagpapasensiyahan niya pa rin ako, nandoon lang siya.

“Minsan, may mga time na talagang kailangang patulan na niya ako para tumahimik ako.

“In fairness naman to him, talagang inalagaan niya ako.”

GAMITAN ISSUE. Itinanggi rin ni Kakai ang mga naging paratang kay Ahron na ginagamit lang siya nito.

Hirit pa niya na natatawa, “Hindi naman, e, sana nga ginamit na lang. Masaya pa, e.

"Mas masaya sana kung talagang ginamit."

Hindi rin daw siya kinuwartahan ni Ahron. Hindi raw totoong ginastusan niya ito.

Aniya, “Aaminin ko sa inyo, yung mga biyahe namin, maniwala man kayo o hindi, hati kami dun.

“At may mga times na, 'O, ikaw ang magbayad nito.' Ako ang magbabayad? Ano ako, Nanay? Matrona?”

Dugtong pa niya, “Hindi ako yung lahat sumasagot.

“At yung mga plans namin, yung mga labas namin, we both planned it together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, iniisip nga ng mga tao na, yun nga, may reputation siyang ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai sa presscon ng Harry & Patty, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, noong July 16.

Ipalalabas ang kanilang pelikula ni Ahron sa August 1.

BETTER FRIENDS. Dahil sa pinagdaanan nilang pagsubok ni Ahron, mas nakilala raw nila ang isa't isa at naging mas matibay ang kanilang samahan.

Ayon kay Kakai, “So if ever na after ng mga nangyari sa amin na hindi okey, feeling ko naman lahat ng magagandang friendship na nangyayari at dumarating sa buhay natin, dumadaan talaga sa ganung pagsubok.

“Hindi man siguro namin naiintindihan ang isa’t isa before, mas marami na kaming bagay na dapat intindihin sa isa’t isa. 

“We both know each other very well. 

“I know him very well and he knows me very well. Alam niya ang mga topak ko and he knows how to handle it.

“Alam ko rin yung mga topak niya and sometimes, ako yung hindi kayang i-handle siya, kasi alaskador talaga itong lalaking to, 'tapos ako, pikon. 

“Minsan ako ang alaskador, pikon siya.

“So, alam na naming i-handle each other’s ugali and, I think, it would not be a perfect friendship for the both of us.

"But as long as we try to be perfect for each other as friends, siguro in God’s perfect timing, it would lead to something beautiful."

Sabi nga niya, “Hindi ko muna kinu-close ang door ko.  

"Sa ngayon, kalma-kalma muna tayo. Masaya muna tayo with each other."

Napasigaw naman ng “secret” si Kakai nang balikan namin at tanungin kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kanilang dalawa.

Sabi niya, “Mahirap kasi na kapag nasa isa kayong relasyon or friendship or a budding relationship, romantic relationship or whatever, kung anuman yun, mahirap yung maraming nakikialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap yung maraming ganito, ganyan.

“Confused ka na to what to really say, what to really know. So, mahirap yun.  

"Kailangan kung meron kayong friendship o relasyon na maganda, kailangan yung isa’t isa lang ang pakikinggan niyo.

“Huwag kayong maniniwala sa sinasabi ng iba, lalo na kung alam niyo ang feeling niyo for each other.  

"Never get affected to what others say. So kami, deadma na lang. Prayers na lang.

“Enjoy muna whatever we have right now because we’re enjoying it.”

At saka ito bumaling kay Ahron at sabay natatawang tanong na, “Are you enjoying me?”


Stories We Are Tracking

Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Ahron Villena to Kakai Bautista:
Ahron Villena to Kakai Bautista: "Naging tayo ba?"
Ahron Villena apologizes for
Ahron Villena apologizes for "NEVER naging tayo" statement
Kakai Bautista: Ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO
Kakai Bautista: Ang MAHALAGA hindi ka Natakot maging TOTOO


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN