Rhian Ramos, Andre Paras laugh off rumored romance

IMAGE @whianwamos on Instagram

Rhian Ramos and Andre Paras have mutual admiration for each other. In a recent interview, Rhian said about being linked to Benjie Paras's son, "That's so cute! I'm a huge Andre Paras fan." In a separate interview, Andre confessed, "Crush ko yun ever since."


Tinawanan lang nina Rhian Ramos at Andre Paras ang usap-usapang nagli-link sa kanilang dalawa romantically.

Unang lumabas ang tungkol dito sa pamamagitan ng blind item sa isang radio program, kung saan sinabing kapansin-pansin ang pagiging close nilang dalawa sa ginanap na GMA-7 60th anniversary party kamakailan.

“That's so cute! I'm a huge Andre Paras fan,” nakangiting reaksiyon ni Rhian nang tanungin tungkol sa isyung ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang aktres sa set ng ginagawa niyang pelikula, ang Kung Paano Siya Nawala, noong Martes, July 17.

Patuloy niya, “I really think that he's one of the most adorable funny people in show business.

“I love him. But, I mean, we're not romantic...

“I don't even we know each other that well to be sweet.

“It just so happen that parehas kaming nag-'Hep-Hep Hooray.'

"'Tapos magkatabi kami nun and parehas kaming na-knockout, pumunta kami sa photo booth, 'tapos nag-picture kami.

“That's probably why because nag-picture kami, 'tapos kaming dalawa lang yung nasa picture.”

Pero giit ni Rhian, “We're not anything. Friends, and I'm an Andre Paras fan.”


Stories We Are Tracking

Is Rhian Ramos open to dating again after recent breakup?
Is Rhian Ramos open to dating again after recent breakup?
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo
Rhian Ramos laughs off rumors linking her to JM, Jolo

ANDRE REACTS, TOO. Sa hiwalay na panayam sinabi ni Andre na posibleng nabigyan lang ng ibang kulay ang pagiging malapit nila ni Rhian, lalo pa't ilang beses na rin silang nagkatrabaho.

“I guess we're very close. I've worked with her in Taste Buddies. I've known her off-cam before.

“I guess we're just really close.

“You know naman how people are basta kasama mo ang isang tao, may issue, which is fine.

“All you have to do is explain,” ani Andre nang makausap ng PEP.ph at iba pang reporters sa set ng The Clash ngayong Huwebes ng hapon, July 19.

Naiintindihan din daw ni Andre na maaaring bad timing ang pagkakakita sa kanilang dalawa dahil kahihiwalay lang ni Rhian at ex-boyfriend nitong si Jason Choachuy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess that's what people would think, basta may kasamang ibang lalaki, 'Uy, kayo na.'

“I guess, on our part, we need to explain.

"We're just close," diin ni Andre.

Kuwento pa niya, “Crush ko yun ever since.

"Nagmi-message nga kami sa Instagram, 'Look at this link, may nagsabi na tayo.'

"We're, like, 'What? How did it become that big?'

“Pero, of course, we just laughed about it.

“Ganun naman talaga yun, minsan nami-misinterpret ng mga tao.

“But it's okay, we're here to explain naman both our side.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN