Ahron Villena recalls Kakai Bautista being mistaken for being his mother

IMAGE Jerry Olea

Ahron Villena recalls how his friendship with Kakai Bautista started during a trip to Japan. "Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan. Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal.


Pagkatapos ma-link, maintriga, at magkasagutan sa ilang write-ups, magkatambal at bida ngayon sina Ahron Villena at Kakai Bautista sa pelikulang Harry & Patty (A Beginning of a not so beautiful love story).

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron kung maihahalintulad ba sa titulo ng kanilang pelikula ang kuwento nila ni Kakai sa totoong buhay.

Nagsimula rin ba ito sa hindi magandang love story?

“Actually po talaga, ang hirap po kasing mag-ano... marami po talagang tao na, si Kakai po kasi, sobrang naging close kami niyan. 

“Sa mga hindi nakakaalam, naging close kami sa Japan. Doon nagsimula ang friendship namin,” pagbabahagi ng aktor sa press conference ng pelikula sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City, noong July 16.

Yun nga lang, may nag-akala raw na nanay niya si Kakai noong nasa Japan sila.

“Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan.

"Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal.

“Hanggang sa dumating sa point na yung mga taong malisyoso, yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap.”

Nilinaw namin kay Ahron kung nagkaroon ng malisya si Kakai sa friendship nila.

Aniya, “Yung ibang tao. Yung mga sumawsaw na.

"'Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, 'O tara, picture tayong dalawa.'

"'Tapos yung mga tao ang nagbibigay ng meaning."

Diin niya, “Pero we are really good friends talaga. Yung sa Japan, doon naging close kami.”

REAL LOVE STORY. “Good friends” lang talaga sila, hindi puwedeng mauwi sa isang love story?

“Hindi ko alam!” natawang sabi ni Ahron. “Mahirap magsalita ng tapos.”

Dugtong pa niya, “Si Kakai is a good person. Sobrang mabait.

"At isa sa gusto ko sa kanya, yung boses niya.

“Sabi ko nga, yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. Parang, 'Wow, ang ganda ng boses nito.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humirit ng biro si Kakai na sana raw pala, naging boses na lang siya.

“Hindi naman!” natawang sagot naman ni Ahron.

At sabi pa niya, “Makinis si Kakai. Nakita ko na siyang naka-two-piece.”

Nakatanggap ng mga pamba-bash si Ahron noong panahong naintriga silang dalawa at nagkasagutan pa sa ilang write-ups.

Tinawag siyang “pa-fall,” o pinapaasa lamang si Kakai kahit wala naman talaga itong gusto sa dalaga. 

Pero sa isang banda, posible ba siyang ma-fall kay Kakai?

“Well, to be honest po, ako, hindi ako tumitingin sa panloob o panlabas na kaanyuan.

"As long as nakikita ko na may mabuting puso ang tao.

“Mahirap kasi, sasabihan na naman na hayan, nagsalita na naman si Ahron ng ganyan, pa-fall na naman. Hindi, e.

“Pero ako, naniniwala na ang love naman, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung hindi.

"Basta nakikita mo na yung taong kaharap mo at kasama mo, e, mabuti sa iyo, marunong makiharap.”

Patuloy pa ni Ahron, “Ako, hindi ko masasabi. Mahirap magsalita ng tapos. 

"To be honest, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Basta right now, nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami. Hindi planado, unang-una.

“Masaya kami, lumalabas kami... Kumbaga, nag-start kaming lahat na ganito, I’ll never know.”

Ang Harry & Patty ay mula sa Cine Ko Productions at ipalalabas sa August 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN