Jon Lucas ready to face the consequences after admitting he's now a father

IMAGE Noel Orsal

Handa raw si Jon Lucas sa kalalabasan ng kanyang pag-amin na isa na siyang ama. Umaasa siyang maintindihan ng mga tagahanga niya ang kanyang pag-amin. 


Wala raw talagang balak itago nang matagal ng Hashtags member na si Jon Lucas ang katotohanang mayroon na siyang anak at ang pagpapakasal niya sa ina nito.

Humahanap lang daw siya at ang mga taong nangangalaga sa kanyang career ng tamang pagkakataon upang aminin ito sa publiko.

Saad ng 22-year-old Hashtags member, “Kasi noon, nakipag-usap muna ako sa management.

“Siyempre, una management muna, respeto sa management.

"Respeto sa manager, kasi yung manager ko, may plano sa akin.

“Minsan naisip nila, tulad nga sa generation natin, yung mga fans baka masaktan kapag umamin ako, baka mawala sila sa tabi ko, e, makakaapekto talaga yun sa trabaho ko.

“So yun, tinanong ko muna sila.

"So yun, sabi nila kung puwede munang in time na lang."

Ayon pa kay Jon, “Ngayon siguro ang pagkakataon na sabihin ko na sa tao na ito nga yung totoo, kung anuman yung consequence, sabi ko nga sa handler ko, tatanggapin ko, na ako naman ito.

"Ang mahalaga ay nailabas ko na yung family ko."

Naging bulung-bulungan late last year na ang pagkawala niya at kapwa Hashtags member na si Bugoy Cariño sa It’s Showtime ay dahil sa nabuntis umano nila ang kani-kanilang mga nobya.

Lumabas din ang isyung pinakasalan na rin daw niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na ina ng kanyang anak.

Ngayong araw, July 20, winakasan na ni Jon ang mga haka-haka.

Inamin niyang kasal na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend at mayroon na silang eight-month-old son.


Stories We Are Tracking

Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas admits he's now a father and a married man

Ngayong naisiwalat na ni Jon ang katotohanan, medyo lumuwag na raw ang kanyang pakiramdam.

Dagdag pa niya, “Tsaka unang-una, ayoko naman talagang itago nang sobra, e.

"Kumbaga, naghintay lang ako ng time para ilabas siya sa public."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Jon sa grand presscon ng bago niyang pelikula, ang Dito Lang Ako, ngayong hapon ng Biyernes, July 20, sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang ito mula sa Blade Entertainment ay ipalalabas simula sa August 8.

STEADY CAREER. Sa loob ng limang taon niya sa showbiz, ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon si Jon na magbida sa isang pelikula.

Inilunsad siya noon bilang miyembro ng Star Magic Circle 2013, kung saan kasama rin ang co-star niya sa Dito Lang Ako na si Michelle Vito.

Ang iba pa nilang mga ka-batch ay sina Julia Barretto, Jane Oineza, Liza Soberano, Janella Salvador, Ingrid dela Paz, Kit Thompson, Jerome Ponce, Julian Estrada, Alex Diaz, at Khalil Ramos.

Ang umalagwa ang career nang husto sa kanilang batch ay sina Liza, Janella, at Julia.

Sa tingin ba niya ay napag-iwanan na sila sa kanilang batch?

Tugon ni Jon, “Hindi naman po siguro napag-iwanan.

"Pero siguro mas sila lang siguro yung nai-push dahil nga deserve naman talaga  nila… nina Liza, nila Julia, talagang deserve nila kung ano man ang meron sila ngayon dahil napakabuti naman ng mga puso nila.

"Magagaling talaga silang artista at mababait.”

Ayon pa sa kanya, naghihintay lamang siyang mabigyan ng break sa kanyang karera.

Sabi niya, “Siguro, marami rin naman pong artista ang naghintay nang naghintay, 'tapos nabigyan naman po ng pagkakataon na maipakita po kung anong meron sila at pagkakataon na sumikat.”

Hindi rin naman daw siya napanghinaan ng loob noon bagkus ay ipinagdasal lamang niya kung anuman ang puwedeng mangyari sa kanyang career.

“Katulad ng sinabi ko kanina, ipinapanalangin ko naman po lahat kung ano man ang ibibigay ng Diyos, dun na lang po ako.

“So, kung hindi man ibigay sa akin yung pag-angat na ganun, magpapasalamat pa rin ako dahil malaking bagay na sa akin ang makarating dito sa industriyang ito.

“Yun lang siguro yung habambuhay kong maipagpapasalamat,” saad ni Jon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN