Regine Velasquez, Lani Misalucha on 'sapawan' among singers: "We all went through that."

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez (left) and Lani Misalucha (right) remind aspiring singers to be fearless while they're young. The Asia's Songbird says, "As you get older, all your insecurities comes out."


Normal lang ang magkaroon ng “sapawan” sa pagitan ng singers sa isang production number, ayon sa The Clash host and judge na sina Regine Velasquez at Lani Misalucha.

Natanong ang mga tanyag na singer ng bansa tungkol sa madalas na isyung ito sa pagitan ng mas nakababatang singers nang maimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set ng The Clash noong Biyernes, July 19.

Pagdating sa performances, hindi raw talaga maiiwasan magkaroon ng sapawan sa mga singer.

Sabi ng tinaguriang Asia's Nightingale na si Lani, “Hindi mo talaga maiiwasan yun.

“Tanggapin na natin na meron talagang performers na talagang mahusay kumanta.

“Like, sa mga performers ngayon—sa female o sa mga lalaki—mayroon talagang mahuhusay.

“Hindi lang mahusay kumanta, pero tumayo pa lang, wow, parang ang lakas ng dating o yung stage presence nandiyan na.

“So, somehow, nakaka-intimidate.

“Siyempre, ang audience, ang fans ni ganito at fans ni ganyan, hindi mo maiiwasang mag-away, ganun talaga, e.”

Dagdag pa ng 48-year-old singer, “Ang hirap din naman kung maghu-hold back.

“Kung ang kasabayan ay alam mo namang hindi rin ganung kalakas, siguro nga kailangan mo na lang mag-alalay or mag-blend in.”

Sa kabilang banda, sinabi ni Regine na maaaring dala rin ng edad kaya minsan nagkakaroon ng sinasabing “sapawan.”

“That's a normal tendency who is young and also relatively new in the business.

“We all went through that.

"Eventually, she will learn how to be a team player," saad ng 48-year-old Asia's Songbird.

INSECURITIES COME LATER. Dahil dito, payo ni Regine sa batang singers, ituluy-tuloy lang ang pagkanta.

Aniya, “Whenever I see new singers, I always tell them, 'You sing.'

“Because when you're young, you're supposed to be fearless, right?

“When you're young, you're fearless, you're not afraid of anything.”

Pinaalalahanan pa ni Regine ang aspiring singers na, “As you get older, all your insecurities comes out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's weird. I've never been insecure in my entire life, only this age.

“When I was younger, I was aware that I'm not the best singer.

“Aware ka naman, e, kasi laging may mas magaling.

“But I am capable and I practice my craft.

“I was never insecure. I was fearless.

“I would sing anything. Kahit hindi mo genre, you'd sing it anyways just because you want to sing.”

Halos ganito rin ang sinabi ni Lani.

Aniya, “Lahat yun dumadaan sa amin yun—yung fear.

“I'm already a middle-aged woman, artist, performer, singer.

“Hindi maaalis sa dibdib namin yung agam-agam na, 'Ay, humihina na ako, may certain things na hindi na kaya.'

“Totoo yun, hindi mo na maiiwasan.”

Paano dapat harapin ng isang singer ang pagdating ng pagkakataong ito?

Sagot ni Regine, “Wala, you just go through it.

“You can't really... kailangan nating pagdaanan yun, e. So, dadaanan mo lang.

“Hopefully, you go through it with grace.

“Kasi, ayaw mo yung insecurity mo ay pinapasa mo sa iba.

“You become bitter and yung tendency mo is you complain and you become bitter. You don't want that.

“Although that's part of everything, that's normal when you get to this age.”

FANS HAVE AN EFFECT. Aminado sina Regine at Lani na minsan ay nakaaapekto rin ang mga ginagawa ng fans para sa kanilang mga idolo.

“Ang expectations kasi, parang mas matangkad pa kay Benjie Paras. Dapat may consideration ng kaunti,” pabirong sabi ni Regine, na madalas nagsasabing iba na ang boses niya ngayon kumpara noong mas bata pa siya.

Nakakaapekto rin daw sa pagkakaroon ng insecurities ng singers ang pagkukumpara ng fans sa kani-kanilang mga iniidolo.

Ayon kay Regine, “Ang pinakamalala dun, matapos ka nilang ilaban sa lahat, ilalaban ka nila sa sarili mo, the younger you.

“Parang, 'This is how she sang it at this age and this is how she sang it when she was younger. She was better when she was younger.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, 'Duh!' So the more you feel insecure.”

Para naman kay Lani, mas makabubuti sa aspiring singers na intindihin na lang ang mga magagandang komento ng mga tunay na tagahanga.

“Para sa akin, ang intindihin mo na lang ay yung mga nagsasabi ng maganda, yung mga talagang nagsusuporta sa iyo.

“We're very grateful to those supporters na hanggang ngayon ay nandun pa rin.

“Nakakatuwa rin and we are grateful that somehow mayroong bago at bagong dumarating na fans and supporters, even younger ones.

“Yun na lang siguro ang kalaban namin—ang sarili namin.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN