Jameson Blake picks, deletes winning design for his "contest"

IMAGE Noel Orsal

Jameson Blake is feeling good after being bashed for his controversial tweet: "I'm really having a good day, I don't want to ruin it, maging positive lang. I've been working, I've been with different people. I'm happy na may mga friends ako. I'm happy that other people understood my side."


Isang linggo raw umiwas si Jameson Blake sa social media matapos siyang ma-bash nang husto kaugnay ng proposal niya sa Twitter na shoutout kapalit ng serbisyo ng isang graphic designer. 

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay James noong Miyerkules, July 18, sa set ng It's Showtime, ipinaliwanag muli ng Hashtag member na wala siyang masamang intensiyon at nilinaw kung ano talaga ang layunin ng kanyang tweet.

Saad ni Jameson, “Para siyang contest din kung sinong puwedeng gumawa ng best na graphic arts para sa akin, I'll give them a shoutout.

“E, yung shoutout, hindi naman shoutout na, 'Hey, guys, please follow blah, blah, blah.'”

“Di ko in-expect na maba-bash ako sa tweet na yun; maybe I offended some, yung graphic designers.”

Nilinaw rin ni James na hindi para sa professional graphic artists ang crowd sourcing niya.

“I was mainly pointing yung mga fans ko na gustong maging graphic designer or nagga-graphic design.

“Yung shoutout, ipu-promote ko rin yung art work, parang ex-deal din para makilala din yung tao.

“Makilala din yung art work and let people like it, ganun lang.  

"Hindi ko alam, they took it in a wrong way.

"Parang ang tingin nila, I'm forcing them to make one for me.

“Ang sabi ko naman, who's willing to make one, kung ayaw mo, di wag."

May napili na pala si James na graphic design para sa banner ng kanyang social media accounts.

Pero dinelete niya rin ito.

"Mayroon, actually twineet ko siya, shinout out ko siya.

"But people are bashing her too, so I had to take it down.

"The girl felt bad, sabi niya ayaw niyang lumaki yung issue.

"So, ayun, dinelete ko na lang, I just said thank you. Ganun lang."

HARD TO TAKE. Naapektuhan nga raw si James sa pamba-bash na naranasan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, ”Medyo allergic sa social media, hindi kasi ako nasanay sa mga bashing.

“Parang naging sobra to the point they were calling me names  just because of that tweet.

"Medyo hard nung first few days, I'm like nag-fasting muna ako sa social media.

“One week wala akong social media, dinelete ko ang lahat, as in ayokong makita.

“I’m really having a good day, I don't want to ruin it, maging positive lang.

“I’ve been working, I've been with different people.

"Ayokong ma-bad trip ako buong araw, ayoko ng ganun."

Ilan sa komento ng ibang bashers ay ang pagiging kampante at feeing sikat daw ni Jameson.

Na isang shoutout lang ang kapalit sa isang graphic design na di biru-birong gawin.

May humamon din sa Kapamilya kung kaya niyang mag-perform na libre gaya ng hinihingi nito.

Himutok ni Jameson, “Sabi nila, hindi raw libre ang lahat, yung mga ganun.

“Hindi ko alam lahat pala kailangang dumaan sa pera. Ako, in my job, I do stuff for free.  

“It's everyone's opinion… wala na yun, I just hope the issue is dead.

“Pero I don't know, people are still talking about it siguro."

LESSON LEARNED. May iniwan bang aral para kay Jameson ang kaguluhang ito?

Ayon sa kanya, ”People make reactions from small things, make a big deal. 

“Ako, I had my mistake din, I was pointing out graphic designers and they are in bracket of professionals.

“Alam ko it's not easy, graphic designing is not easy, people are paying them for that.

“Baka they are thinking that I am degrading them, I hope they are not taking that because that is not my intention.

“Siguro other lessons I learned is to be more aware of what I am going to say.

“Think twice, be more cautious of what I will tweet or will say in social media."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat din ang aktor sa ilang mga kasamahan sa industriya na nagdepensa at nakaunawa sa kanya.

"Yes, marami naman, and I'm happy naman na may mga friends ako.

“Kasama yung iba kong friends na directors, they back me up naman.

"I'm happy that other people understood my side, they try to put it in other way naman.”

Isang bagay lang daw ang inaalala niya,.

"Actually, ang worry ko about that tweet, yung user name ko na lucidexpress, gumawa sila ng meme about it.

“Yun ang user name ko sa mga games ko sa computer, sabi ko, ‘Paano yun, baka kailangan kong palitan.’

"But then, like, okay din. At least  kilala nila si lucidexpress. They can introduce lucidexpress sa people"

"So okay din, win-win situation.“

Bida si Jameson sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino entry na Ang Babaeng Allergic sa Wifi katambal si Sue Ramirez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN