Kris Aquino slams basher for calling Erich Gonzales "user"

IMAGE Cyrus Panganiban /@krisaquino on Instagram

Kris Aquino responds to a basher who called Erich Gonzales "user.". Erich recently visited Kris's eldest son, Josh, at the hospital.


Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang pagtawag ng isang netizen kay Erich Gonzales na "user."

Nagsimula ito nang mag-post si Kris ng picture ng kanyang dalawang anak na sina sina Josh at Bimby, kasama si Erich.

Bumisita si Erich kay Josh na naka-confine ngayon sa ospital.

Madalas sabihin ni Kris na itinuturing niyang anak si Erich.

A post shared by Kris AQUINO (@krisaquino) on

Sa comments section, sinabi ng isang basher na "user" si Erich at ginagamit nito si Kris dahil baka raw mahina ang ratings ng kanyang programa.

Kasalukuyang bida si Erich sa ABS-CBN afternoon teleseryeng The Blood Sisters.

Ipinagtanggol ni Kris ang Kapamilya actress.

Aniya, subok na ang pagkakaibigan nila ni Erich.

Hindi rin daw biro ang sinuong na ulan at traffic ni Erich para lang makabisita kay Joshua.

Buong sagot ni Kris sa basher: “this comment is uncalled for... tested ang friendship namin w/ @erichgg... kung may problema ka sa kanya, KAMI SUPER ang pagmamahal sa kanya. Hindi biro ang effort nya—ang lakas ng ulan, super traffic & yet dumating sya.”


Inulan naman ng batikos ang basher mula sa mga tagasuporta nina Kris at Erich.



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN