Jon Lucas on returning to Hashtags: "Siguro po, in time."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Jon Lucas, nais niyang hatiin ang oras sa trabaho at pamilya, lalo ngayong may anak na siya at may karamdaman din ang ama. Ayaw raw niyang maulit ang nangyari noon na hindi niya masyadong nakasama ang ina bago ito pumanaw.


“Indefinite suspension” ang ipinataw ng It’s Showtime management sa Hashtags members na sina Jon Lucas at Bugoy Cariño noong 2017 sa hindi pa isinapublikong dahilan.

Ngunit ang mga lumulutang na balita noon ay dahil nakabuntis diumano ang dalawa.

Ngunit hindi ito nabigyan ng patotoo dahil walang nagsalita sa magkabilang kampo.

Kahapon, July 20, binasag ni Jon ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu.

Inamin niyang isa na siyang ama at nagpakasal na rin sila ng ina ng kanyang anak na si Brycen Christian.

Samantala, nananatili namang tahimik si Bugoy.


Stories We Are Tracking

Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas admits he's now a father and a married man

BACK TO HASHTAGS? Ngayong nasabi na ni Jon ang totoo, umaasa ba siyang makakabalik pa sa Hashtags?

Tugon niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media, “In time, siguro po, in time.”

Nasaktan ba siya sa naging desisyon ng management na suspendihin sila sa all-male sing-and-dance group?

Saad ni Jon, “Ang totoo kasi, ang pinakadahilan dun, kasi nag-file talaga ako nung una ng leave of absence, kasi nung pagkawala ni Mommy last year.

“'Tapos nung pumasok ako nung November, alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay.

“Kumbaga, hindi ko pa kaya na pilitin ko na laging masaya dahil nga lagi naaalala ko yung mommy ko. E, mama’s boy talaga ako.

“E, ang [It's] Showtime napaka-energetic at napakamasayahin na show.

“Ayoko madamay sila sa bad vibes o sa lungkot.”

Dagdag pa ni Jon, kailangan niyang balansehin ngayon ang trabaho at ang kanyang pamilya dahil ayaw nitong maulit ang nangyari sa ina, na hindi niya naalagaan nang husto bago ito pumanaw noong September 2017.

“'Tapos yung daddy ko, may sakit din ngayon si Daddy.

"So ngayon, ang focus ng oras ko sa family muna, sa mga mahal ko sa buhay.

"Kasi hindi ko naman alam kung kailan na naman may mangyayaring masama tulad nung sa momnmy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puro work ako, hindi ko alam na yung huling mga months na puro trabaho ako, yun na pala yung huling months na makakasama ko siya sa lupa.

“Kaya siguro ngayon, ang focus ko family muna, sila Daddy.”

Samantala, masaya naman si Jon na nabigyan ng pagkakataon ng Blade Entertainment na magbida sa pelikulang Dito Lang Ako na ipapalabas na sa mga sinehan simula sa August 8.

Ilan sa mga kasama niya rito ay sina Michelle Vito, Akihiro Blanco, at Boots Anson-Rodrigo.


Stories We Are Tracking

Jon Lucas ready to face the consequences after revelation
Jon Lucas ready to face the consequences after revelation

 


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN