Boy Abunda admires Christian Bables's humility: "Tama lamang na he humbled himself."

IMAGE Courtesy of Boy Abunda

Boy Abunda admires his new talent Christian Bables for taking the initiative to clear his misunderstanding with directors Jun Lana and Perci Intalan: "Tama lamang na he humbled himself. Tama lamang na nag-apologize siya."


Napakasaya ng pakiramdam ni Asia’s King of Talk Boy Abunda sa pagbabati ni Christian Bables at ng direktor na si Jun Lana.

Si Direk Jun ang nagbigay ng break kay Christian para gumanap bilang si Barbie, ang best friend ng karakter ni Paolo Ballesteros, sa pelikulang dinirek niya ang Die Beautiful (2016).

Naganap ang pagkakaayos nila sa announcement ng walong official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong nakaraang July 9.

Nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Christian at ng mag-asawang Jun at Perci nang biglang nag-back out si Christian sa taping ng TV series na Born Beautiful, na spin-off ng Die Beautiful, noong November 2017.

Si Christian dapat ang bida sa naturang TV series, pero dahil nga bigla na lang siyang nag-back out ay si Martin del Rosario ang sumalo sa nabakanteng role.

“Ay, napakasaya dahil nagkaayos na sila ni Jun, sina Direk Jun at si Perci [Intalan, ang partner ni Jun sa The IdeaFirst Company Inc. na nag-prodyus ng Die Beautiful],” simula ni Boy, na siya na ring nagha-handle sa career ni Christian sa ilalim ng kanyang Asian Artist Agency Inc.

“Pero tama yung sabi ni Perci nung nag-uusap kami ni Christian, at si Christian ay pumunta sa Asian Artist Agency [AAA].

“Kinausap ko.

“Tinawagan ko si Perci.

“Oo, tinawagan ko.

“At hindi kami naapektuhan nila Jun at saka ni Perci.

“We’ve been friends for a long, long time.

“Yung ginawa ni Christian, para sa akin, wala mang plano at nagkataon na nandoon sila, e, napakaganda.

“Tama lamang na he humbled himself.

“Tama lamang na nag-apologize siya.

“Parang mga older brothers niya yun, e. At saka doon siya nagsimula.

“Doon siya nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng pakpak.

“Give it naman to all of them. All it took was that moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At oo, may closure na sila.”

FORGIVENESS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy after ng taping niya ng Inside the Cinema program niya para sa Cinema One sa ABS-CBN last Thursday.

“You know, I was watching an interview, a great interviewer was once interviewed.

“'Sa thousands and thousands of interviews that you have done, hindi ko lang maalaala kung sino, ano ang pinaka-importanteng leksyon ang iyong natutunan?'

“Forgiveness, oo.

“And then, nung ipinaliwanag niya, sabi niya, 'I have forgiven people who have wronged me and most importantly, I have forgiven myself.'

“Di ba, kasi may mga pagkakataon din na marami kang nasagasaan, that you have wronged people?

“You also have to forgive yourself. Pero nangangahulugan ba na ang forgiveness ay isang big event?

“In that interview, sinabi forgiveness is in the heart. It takes a lot of maturity, a lot of humility.

“Kasi, knowing na ikaw din ay maraming kapalpakakan, sino ka para hindi makapagpatawad?

Nakuwento rin ni Boy ang sinabi ng isa sa mga kaibigan niya at nagtanong kung bakit lumuhod pa si Christian kay Direk Jun.

“Sabi ko, kung yun ang kanyang expression of asking for forgiveness, bigay mo naman.

“Totoo yun,” diin ni Boy.

“Nagpakumbaba yung tao, e. And I’m just happy.

“I’m really happy.

“Dapat masaya tayo kapag may mga taong nagkakaayos.

“We should be happy.

“Kaya parating sinasabi natin, 'Surround ourselves with people who are positive.'

“'Surround ourselves with words and actions that make you better.'

“Dapat ganun e, di ba?

“So, tuwang-tuwa ako... because Christian is a wonderful boy.

“Napaka-ano niyan, napaka-bukas ng kaluluwa.

“Yung parang wala akong puwedeng hindi sabihin sa kanya.

“I don’t see him more often. You know, I speak to him on the phone.

“May mga hindi sila pagkakaunawaan.

“But the fact that he recognized and he embraced whatever mistakes he committed, gusto ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka nakita ko rin yung ngiti ni Jun Lana.

“Si Perci naman ang pagkakaalam ko, even before sila nagkaayos, may contact na sila ni Christian.

“Jun is also the type na kapag tapos, tapos.

“May closure, you know? He is a wonderful person.

“Kami nga before nangyari yan, we interviewed Jun and Perci sa Inside the Cinema."

WORKSHOP. Samantala, magsasagawa si Boy ng public speaking workshop sa August 3, 4, and 5 sa Mezzanine Multifunction Hall, 106 BluPoint Building, Kamuning Road, Quezon City (2pm to 8pm).

Ayon kay Boy, ang talk workshop ay para sa mga nagnanais na i-enhance ang kanilang communication skills.

Nagtapos si Boy ng kanyang doctorate degree in Social Development sa Philippine Women’s University (PWU) noong 2016.

Sa PWU din siya nagtapos ng kanyang mga kursong Bachelor of Arts in Communication Arts (2009) at Master of Arts in Communication Arts (2011).

Lahad niya, “Naniniwala ako in the adage that practice makes perfect.

“A good presentation doesn’t happen overnight.

“It takes preparation, practice, and patience.

“How do you ward off awkwardness and jitters while standing on stage and presenting to the crowd that your idea is the best in the world?

“How do you conduct a one-on-one discussion with your boss?

“How do you deliver spiels or craft questions?

“Lahat yan at marami pa will be explored at the talk workshop.”

Ayon pa kay Boy, “Bawat isa sa atin has the ability to talk.

“Alam mo yung kuwento tungkol sa isang Maasai boy?

“He had read the book titled TED Talks: The Official TED Guide to Public Speaking by Chris Anderson.

“A Maasai boy named Richard Turere invented a so-called ‘lion lights,’ a fence made from scraps that lighten up to scare off lions from attacking their family’s cattle.

“Ang nangyari, naprotektahan ang properties nila at yung mga lion activists were satisfied because no lions were killed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who would have thought that Richard can speak for TED Talk? But people behind the conference believed he could share something new to the audience.

“With his invention, Richard obtained a scholarship from one of the best schools in Kenya where he practiced his TED speech numerous times in front of an audience.

“This gave him confidence.

“He later flew to California and delivered a speech in front of a thousand people. Why am I saying this?

“It’s because I want to emphasize that each of us has the ability to talk.

“It is how we develop our talent in public speaking and how we utilize it that make the big difference.

“Kahit si Princess Diana who was awkwardly shy was loved by the public because she spoke from the heart.

“She was not the traditional eloquent orator.

“You could be the next Oprah Winfrey or [American news anchor] Matt Lauer, but you can create your own style and become the best version of yourself as a public speaker or host.

“In the workshop, we will not teach you how to be a great public speaker but we can guide, advise and mentor you to creating your style using your core, your story, and your truth!”

Kabilang sa speakers sa workshop sina Jasmine Curtis at Kylie Verzosa.

All set na rin ang ikalawang Boy R. Abunda Talks (BRATS) ni Boy focusing on Mental Health Stories (Let's talk about them openly and kindly).

Gaganapin ang ikalawang BRATS sa Seda Vertis North Hotel, Astra Corner Lux Drive, Vertis North, Quezon City, sa July 25, Wednesday, 7 to 11 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN