Vice Ganda, Kris Aquino finally reunite amid "tampuhan" issue

IMAGE @micodelrosarion1 on Instagram

Kris Aquino and Vice Ganda finally reunite at the July 21 block screening of I Love You, Hater, held at the Trinoma Mall in Quezon City.


All's well that ends well.

Nagyakapan sina Kris Aquino at Vice Ganda sa block screening ng I Love You, Hater na ginanap sa Trinoma Mall, Quezon City, ngayong Sabado ng gabi, July 21.

Marami ang natuwa sa unexpected reconciliation ng dalawa, lalo na't nababalitang nagkaroon ng tampuhan ang dating malapit na magkaibigan mula noong umalis si Kris sa poder ng ABS-CBN.

Si Vice ang nag-sponsor ng block screening ng pelikulang pinagbibidahan nina Kris, Joshua Garcia, at Julia Barretto.

Sa Instagram photos na ipinost ng Star Cinema executive na si Mico del Rosario, makikita ang masayang reunion nina Kris at Vice.

Kasama ni Kris ang bunsong anak na si Bimby na makikitang mahigpit ding niyakap ni Vice.

Naroon din sina Joshua at Julia.


Stories We Are Tracking

Kris on friendship with Vice:
Kris on friendship with Vice: "Friends do grow apart..."
Kris on Vice:
Kris on Vice: "Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?"

Sa mga nakalipas na araw at linggo, maraming netizens ang nagtatanong kung magkaibigan pa ba sina Vice at Kris.

Kahit inamin ni Kris na hindi na sila kasing close gaya nang dati, nananatili naman daw silang magkaibigan ni Vice.

Nagkomento rin si Kris na gumawa ng paraan si Vice para makontak at batiin si Bimby sa birthday nito, at malaki raw ang pasasalamat ni Kris sa ginawang gesture na ito ni Vice.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN