Why did Kris Aquino cry during her reunion with Vice Ganda?

IMAGE Photo from @Krisaquino Instagram Live

"Na-miss ka namin," Kris Aquino tells Vice Ganda during their reunion at the block screening of I Love You, Hater, July 21, Saturday, at Trinoma Mall, Quezon City.


Hindi napigilang maluha ni Kris Aquino sa muling pagkikita nila ni Vice Ganda sa block screening ng pelikulang I Love You, Hater ngayong Sabado ng gabi, July 21.

Si Vice ang nag-sponsor ng pelikulang pinagbibidahan nina Kris, Joshua Garcia, at Julia Barretto.

Kasamang dumating ni Kris ang kanyang bunsong anak na si Bimby.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda, Kris finally reunite amid
Vice Ganda, Kris finally reunite amid "tampuhan" issue

Sa maikling Facebook live update ni Kris, kunsaan nakunan ang pagkikita nila ni Vice, makikitang napaluha si Kris.

Aniya, sumama si Bimby sa block screening upang makita si Vice na malapit sa kanyang anak.

Maririnig si Kris na nag-thank you kay Vice dahil napasaya niya si Bimby.

Diin ni Kris, ang importante sa kanya ay masaya ang bunsong anak.

Maririnig din ang actress-host na sinabihan si Vice ng “Na-miss ka namin.”


Bago ito nangyari, marami ang nagtatanong kung nagkaroon ba ng hidwaan sa pagitan nina Vice at Kris na dating sobrang close na magkaibigan.

Nang tanungin ni Vice si Kris kung bakit ito umiiyak, sagot ni Kris, “E, siyempre, happy 'to, e,” pagtukoy kay Bimby.

Maririnig din si Bimby na tinanong ang kanyang ina, “Are you happy?”

Sagot naman ni Kris, “Super happy because you are happy.

“Basta happy siya, happy na lahat.”



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN