Bela Padilla draws flak over joke about Kim Chiu and Gerald Anderson

IMAGE Screengrab from Gandang Gabi Vice

Bela Padilla reminds viewers of Gandang Gabi Vice not to take its July 22 episode too seriously. She says, "You cant take only one part seriously, guys. The whole episode was just super fun. And you know these shows are edited to fit the program's airing time too. Happy Monday!" Bela and best friend Kim Chiu (right) appeared on the show as guests.


Hindi naging maganda ang pagtanggap ng ilang fans ni Kim Chiu sa ginawang biro ni Bela Padilla sa guest appearance nila sa Gandang Gabi Vice kagabi, July 22.

Sa “Tanong Mo Mukha Mo” segment ng programa, hiningi ng host na si Vice Ganda ang nais itanong ng dalawang malapit na magkaibigan sa mga taong nasa larawang ipakikita sa screen.

Isa sa mga ipinakitang larawan ay si Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.

Pagka-reveal ng picture ng actor-athlete, pabirong kumanta si Vice ng “Ikaw na ba si Mr. Right?” na bahagi ng popular na kanta ni Kim na “Mr. Right.”

Ang tanong ni Bela kay Gerald, “Happy ka ba?

“Kasi yung isa, 'Nag-ingat ka ba?' Ito, 'Happy ka ba?'”

Ang tinutukoy ni Bela na naunang larawan ay si John Lloyd Cruz, na may tagline na "Ingat" sa isa nitong endorsement.

Sabi ni Vice kay Bela, “Mahalaga na yung taong mahal natin ay happy.”

Sagot naman ng aktres, “Oo, kasi pinapasaya tayo ni Gerald.”

Pagkatapos ay sumundot ng tanong si Vice kay Kim, “Pinasaya ka ba?”

Natatawang sagot ni Kim, “Dati!”

Sa parte raw ni Kim, "Kumusta ka?" ang tanong niya kay Gerald.

Agad namang kumanta sina Bela at Vice ng “Bakit labis kitang mahal...”

Natahimik lang si Kim sabay tanong kina Bela at Vice, “Happy? Okay na.”

Pagkatapos nito, may follow-up question si Vice kay Kim, “Bakit kumusta ka?”

Tugon niya, “Hindi kami nagkukumustahan kasi. Maganda lang sa picture. Yun lang, tanong ko, 'Kumusta ka?'”

Patuloy na tanong ni Vice, “Gusto mo lang kumustahin siya dahil?”

Matipid namang sagot ni Kim, “Kumusta na siya sa mga panahon ngayon, ganyan.”

Sabi ni Vice sa huli, “Gusto mo nasa maayos din siyang kalagayan.”

Bukod kina Gerald at John Lloyd, lumabas din ang larawan ng isa pang matalik na kaibigan nina Bela at Kim—si Angelica Panganiban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa mga ipinakita sina Bea Alonzo, na kasalukuyang girlfriend ngayon ni Gerald; at si Zanjoe Marudo, na minsang nakatrabaho at na-link kay Bela.

“SI KIM NA NAMAN MASAMA SA MGA BASHER.” Sa kabila ng nakakaaliw na biruan nina Bela, Kim, at Vice sa GGV episode kagabi, may ilang fans na hindi nagustuhan ang hirit ni Bela kay Kim.

Sa palagay ng ilang fans ni Kim, hindi na dapat nagbiro si Bela nang lumabas ang larawan ni Gerald.

Sabi ng isang Twitter user, “FYI: Si Kimmy lang naman ang na ba bash at nahuhusgahan ng mga tao dahil sa ginawa mo.

“Yung pagkanta mo ng Bakit labis kitang Mahal noong ipinakita pic ni Gerald parang sinabi mo na mahal pa rin ni Kim si Gerald.

“So, lumalabas na panakip butas lang ni Kim si Xian. Ang galing mo!”




Tila hindi naman nagpaapekto si Bela sa ilang negatibong komento tungkol sa ginawa niya sa GGV.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter post, pinaalalahanan niya ang mga nakapanood ng programa, “You cant take only one part seriously, guys. The whole episode was just super fun. And you know these shows are edited to fit the program’s airing time too. Happy Monday!

Dagdag pa niya sa kanyang naburang tweet, “Until you’ve watched us live our real lives, there’s not much you can say that’s valid. We know who we are.”

Sa kabilang banda, may ilan din namang nagpakita ng suporta kay Bela:

Sa kabila ng mga ito, tila good vibes pa rin ang naramdaman nina Bela, Kim, Vice sa ipinalabas na episode ng GGV kagabi.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN