Mariel Rodriguez reveals she got jealous of another woman: "Nasa morning show siya."

IMAGE @marieltpadilla on Instagram / Noel Orsal

Mariel Padilla on being jealous: "You know how Robin is… always, may konting appreciation. Kailangan ko rin lang sabihin para he knows na may limitation na tayo. I'm cool, but not that cool."


Ayon kay Mariel Rodriguez-Padilla, hindi na siya selosa pagdating sa kanyang asawang si Robin Padilla.

Pero may isang pagkakataon kung saan pinagselosan niya ang isang babae.

Sinabi ito ng TV host-actress sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda noong nakaraang linggo.

Pahayag ng It's Showtime host, “Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng time para magselos.

“May konting ganun [selos], pero madaling i-brush off because wala namang masamang ginagawa si Robin.

"So, parang ang sama ko na nun kung magselos pa ako."

Hindi naman ikinubli ni Mariel na nakaramdam siya ng kaunting selos nang mapanood ang asawa kasama ang isang babae.

“Pero merong time na magkakaroon ng konting, 'Ay, naglalandian ba ‘tong mga ito?’ May ganun.'

Hindi pinangalanan ni Mariel kung sino ang babaeng pinagselosan niya, pero nagbigay siya ng clue.

"Pero ngayon, nakakahiya naman sabihin kasi married yung girl. Tsaka nasa morning show siya. Hahaha!"

Dugtong pa ni Mariel, “Kasi naman itong si Robin.

“Pero Robin kasi is like that to everyone.

"Pero sinabi ko sa kanya when we were watching that, ‘Kanina mo pa nilalandi si ano, ha!’ Sinabi kong ganun.

“Sabi niya, ‘Hindi ko nilalandi iyan, ah! Ta’s after nun, parang wala lang, parang nanood kami ulit.”

Nilinaw ni Mariel kung ano ang naramdaman niya.

“Ano lang, it’s just a woman’s, siguro… mga wala lang.

"Not even worth talking about. Puwede nang i-delete itong conversation na ito!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Mariel, “You know how Robin is… always, may konting appreciation.

"Kailangan ko rin lang sabihin para he knows na may limitation na tayo.

"I’m cool, but not that cool."

Maingat naman daw si Mariel na hindi madikit ang pangalan niya sa ibang lalaki at magselos ang asawa.

“I’m so careful because ayoko talaga ng gulo. Babae ako, hindi maganda,” ani Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN