Willie Revillame makes surprise visit to Kris Aquino's son

IMAGE Courtesy of KCAP

Josh Aquino, Kris Aquino's eldest son, gets a surprise visit from Wowowin host Willie Revillame at their Quezon City home.


Sinorpresa ni Willie Revillame si Joshua Aquino nang dalawin ng Wowowin host ang panganay na anak ni Kris Aquino sa kanilang bahay sa Quezon City.

Tuwang-tuwa raw si Joshua nang makita si Willie.

Nasa bahay na si Joshua matapos ma-confine sa ospital noong Miyerkules, July 18, para sumailalim sa ilang tests.

Ipinost pa ni Kris sa Instagram ang initial findings kay Joshua: 

"It is only proper that i share w/ you his results & initial findings: EROSIVE ESOPHAGITIS DUE TO SEVERE ACID REFLUX and ULCERS.

"He’s now finally sleeping together w/ Bimb- but they have to do a biopsy of what they had scraped from kuya because a healthy (based on blood works & absence of tumor markers), 23 year old shouldn’t have his severe digestive issues & our doctors want to be thorough.

"He’ll be on medication for 12 weeks & we’ll do a repeat colonoscopy.

"Magtitiwala po ako na sa dami nyong nagdarasal para sa kay kuya, God will heal him. From a mother na hindi kinayang magpahinga hangga’t hindi mahimbing ang tulog ng kanyang 2, at alam na kailangan magbahagi ng totoong diagnosis dahil minamahal nyo ang mga anak ko- THANK YOU...

"Hindi ko po malilimutan ang kabutihang puso na pinakita ninyo sa ‘min. You are all our guardian angels & rainbows in the storms of our family’s journey.:

Two days after ng IG post na ito ni Kris, nag-post siya ulit ng update sa status ng kalusugan ni Joshua:

"preliminary findings from dr. Sandra & dr. @ayenuguid - biopsies are CLEAR. All were benign... maraming salamat po sa prayers & pagmamahal for our gentle giant, kuya josh..."

(Part 2 of 2) It is only proper that i share w/ you his results & initial findings: EROSIVE ESOPHAGITIS DUE TO SEVERE ACID REFLUX and ULCERS. He’s now finally sleeping together w/ Bimb- but they have to do a biopsy of what they had scraped from kuya because a healthy (based on blood works & absence of tumor markers), 23 year old shouldn’t have his severe digestive issues & our doctors want to be thorough. He’ll be on medication for 12 weeks & we’ll do a repeat colonoscopy. Magtitiwala po ako na sa dami nyong nagdarasal para sa kay kuya, God will heal him. From a mother na hindi kinayang magpahinga hangga’t hindi mahimbing ang tulog ng kanyang 2, at alam na kailangan magbahagi ng totoong diagnosis dahil minamahal nyo ang mga anak ko- THANK YOU... Hindi ko po malilimutan ang kabutihang puso na pinakita ninyo sa ‘min. You are all our guardian angels & rainbows in the storms of our family’s journey.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-“Hi Tito Willie!” daw si Joshua tapos ay biglang kumanta ng mga paborito niyang kanta ni Willie.

Binigyan naman ni Willie si Joshua ng CD ng mga bago niyang kanta at ang kanyang famous “jacket.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Matatandaang sa isang IG post ni Kris noong nasa ospital si Joshua ay inamin niyang kasama sa playlist ni Joshua ang kanta ni Willie: 

"Pasensya na kung 'weird' kami- pero intindihin nyo po na laking Lola ang panganay ko... Handog ng Pilipino, Lupang Hinirang, Ako ay Pilipino, at Magkaisa (and Pusong Bato & Willie’s IKAW NA NGA) are all part of his playlist."

Iikot daw sila sa village habang ida-drive ni Willie si Joshua sakay ng Ferrari.

WILLIE & KRIS PROJECT. Samantala, very thankful naman si Kris sa pagdalaw ni Willie kay Joshua.

Pero bukod sa pagdalaw kay Joshua, naka-schedule din ang meeting nina Kris at Willie para pag-usapan ang “niluluto” nilang project na pagsasamahan nila.

Wala pang maibigay na detalye tungkol dito.

Last year pa dapat magsasama sina Kris at Willie para magkasamang i-host ang isang game show, pero hindi ito natuloy.

Gayunpaman nanatili pa ring mabuting magkaibigan sina Willie at Kris kasama na ang mga anak ng Queen of All Media.

Sa presscon ng ineendorsong Ever Bilena ni Kris nitong January ng taong ito, binati pa ni Kris si Willie para sa kaarawan nito.

“Hindi man natuloy ang mga pinag-usapan namin, but after that talks so many good things happened. I think nabahaginan niya ako ng swerte niya.

"Kaya happy, happy birthday and more blessings pa sa kanya," sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN