Tom Rodriguez, Carla Abellana making plans for their future home?

IMAGE INstagram

Tom Rodriguez is evasive about wedding date, but admits he and Carla Abellana are looking at properties for their future home.


Ikakasal na nga ba sila Tom Rodriguez at Carla Abellana?

Ito ang kumakalat na balita ngayon, pero ayon sa aktor, “Well, that’s the plan! Dun papunta.”

May petsa na ba sila at venue?

“Well, yung isang malaking ano sa listahan namin, it’s being checked as we speak!” at tumawa si Tom.

This year na ang kanilang kasal?

“No, hindi yung kasal, meaning yung… where we’re gonna live, yung lupa.”

Inuna raw nila ang titirhan pag nakasal na sila ni Carla, pero ayaw i-reveal ni Tom kung saan.

Lupa at bahay na ba?

“Lupa, yung bahay, iaaano pa,” na ang tinutukoy ni Tom ay ang construction nito.

Pero totoo bang may petsa na sila ng kanilang kasal?

“Well, sana iyon na, as in we’re working up for it, we’re trying to work as hard and as fast as we can.”

Sigurado na ba si Tom, si Carla ang gusto niya talagang pakasalan?

“Sobra! As in, in my life, this is it!” bulalas niya.

Ano ang sabi ni Carla?

“Siya ang tanungin nyo!” at tumawa ang Kapuso actor.

Waiting lang si Carla?

“Hindi naman waiting, we’re both actively working towards it.”

Mangyayari na ba ito soon, as in ngayong taong ito?

“Malabo this year, maybe next year, next few years.

“Pero sana soon, soon, soon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa taping ng The Cure sa San Jose del Monte, Bulacan, noong nakaraang linggo.

Pagkatapos ng The Cure ay isang action project muli ang nais gawin ni Tom.

“Sana! Yung Mr. & Mrs Smith type ...”

Ang Mr. & Mrs Smith ay action-comedy na pelikula nina Brad Pitt at Angelina Jolie noong 2005.

Maganda sana kung sila ni Carla ang magbibida sa ganoong project.

“Sana! That will be fun. I miss working with her,” sabi ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mr. & Mrs. Rodriguez ang title?

“Hindi, Mott!” at tumawa si Tom, na ang tinutukoy ay ang tunay niyang apelyido.

Samantala, may balitang kasama si Tom sa Metro Manila Film Festival entry na Girl In The Orange Dress ng Quantum at MJM Films, starring Jessy Mendiola and Jericho Rosales, directed ng Jay Abello.

Hindi pa ito kumpirmado noong araw na kausap namin si Tom.


Stories We Are Tracking

Tom says relationship with Carla
Tom says relationship with Carla "a perfect partnership"
Carla Abellana admits wedding plans with Tom Rodriguez
Carla Abellana admits wedding plans with Tom Rodriguez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN