Gabbi Garcia posts despicable comment from basher about her grandfather's death

IMAGE @_gabbigarcia on Instagram

GMA-7 actress Gabbi Garcia posts hate comment blaming her for grandfather's death.


Sa gitna ng pagdadalamhati ni Gabbi Garcia dahil sa pagpanaw ng kanyang maternal grandfather ay may ilan pa ring bashers na hindi siya tinatantanan.

Ngayong Lunes ng umaga, July 23, ibinahagi ng 19-year-old Kapuso actress ang screenshot ng komento ng isang basher.

Dito ay binatikos siya ng basher at tila sinisisi pa sa pagkamatay ng kanyang sariling lolo.

Sabi ng basher, ang dahilan daw kasi ni Gabbi kaya siya umalis sa Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya ay dahil sa pamilya nito.

Pero ayon sa basher, “Hindi mo naman palagi kasama yang family mo kasi ang mas nakasama mo ay yang g*go na Khalil at mga kabilang network mong friend.

“Mas inuna mo pa @_gabbigarcia yung landi, gala at walwal kasama yang bad influence na si Khalil Ramos na Araw araw mong kasama!"

Si Khalil Ramos ay ang ABS-CBN actor-singer na nauugnay ngayon kay Gabbi.

Ang malala pa rito ay hiniling ng basher na mangyari rin sa iba pang mahal sa buhay ng aktres ang nangyari sa kanyang lolo.

Kalakip ng screenshot na ito ay ang maikling mensahe ni Gabbi na “I’ll leave this here.”

Bumuhos naman ang suporta kay Gabbi mula sa kanyang followers:


Puamanaw ang lolo ni Gabbi na si Nicasio G. Ortega sa edad na 88 noong Huwebes, July 18.

Noong Linggo, July 22, nag-post ang aktres sa Twitter ng saloobin sa masakit na pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayon.

Mensahe ni Gabbi, “The past week was a challenge for me, it was hard, stressful, and confusing. But I was surprised by the amount of love and support given by my family, real friends, loved ones, & supporters. Napakasarap sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo. Thank you guys.”


Stories We Are Tracking

Gabbi Garcia's grandfather passes away
Gabbi Garcia's grandfather passes away


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN