Agot Isidro, Bianca Gonzalez, Alessandra de Rossi react to SONA 2018 plot twist

IMAGE Screengrab from RVTM

"Aaand she's back. With a vengeance. Just like that, folks. Aminin ninyo, marupok tayo," Agot Isidro tweets after Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (in photo) replaced Rep. Pantaleon Alvarez as House Speaker


Parang plot twist sa pelikula ang biglaang pagpapalit ng House Speaker  ilang sandali bago magsimula ang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon Lunes, July 23.

Pinalitan na ni Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo si Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker ng Mababang Kapulungan.

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang panandaliang kaguluhang ito sa Kongreso.

Maging ang ilang personalidad sa showbiz ay nagpahayag ng komento sa kani-kanilang social media account.

Katulad ng karamihan, hindi inaasahan ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez ang pangyayari.

Aniya, “CGMA in the House Speaker's seat for the SONA after everything that has happened.. did not see that coming.”

Ginamit din niya ang hashtag na #SHOOKT sa kanyang sumunod na tweet.

Samantala, pabirong hirit naman ng aktres na si Alessandra de Rossi sa pangyayari: “Taray! May plot twist ang sona. Yung love life natin wala! uwian na!”

Dismayado naman ang singer-actress na si Agot Isidro sa biglaang pagbabago ng liderato sa Kongreso.

Tweet ni Agot: "Aaand she's back. With a vengeance. Just like that, folks. Aminin ninyo, marupok tayo."

Halos ganito rin ang naging mensahe ng Twitter post ng radio personality na Gino Quillamor.

Sabi niya sa kanyang tweet: “Is there a Guinness book of world records award for the most “forgiving” country? Coz if there is, wuhooooo. #PinoyPride”

Halos apat na taong sumailalim sa hospital arrest si dating Pangulong Macapagal-Arroyo dahil sa kasong plunder.

July 2016, sa pagpasok ng administrasyong Duterte, nagpasya ang Supreme Court na i-dismiss ang kasong plunder laban sa dating Pangulo kasabay ng pag-uutos ng paglaya nito.

Isang meme naman ang ibinahagi ng TV personality na si Jun Sabayton, na nagpapakita ng larawan ni Arroyo na tila sumisigaw at nilagyan ng thought bubble na “Hello! G!!”

Mapapansing isa itong patama sa eskandalong kinasangkutan ni Arroyo noong 2004 national elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasagsagan ng isyung pandaraya umano ng kampo ni Arroyo, na tumatakbo noon sa pagkapangulo, lumabas ang isang voice recording kung saan maririnig ang isang babae na nagsasabi ng, “Hello? Hello? Hello Garci? So, will I still lead by more than 1M (million)?”

Ang kausap umano ng tao sa recording ay ang dating election official na si Virgilio Garcillano.

Kinalaunan ay inamin ni Arroyo na siya ang nasa likod ng voice recording. Humarap siya sa publiko at sinabing, “I am sorry.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN