Alden Richards on love team with Maine Mendoza: "Hindi pa po tapos ang AlDub."

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on top-billing the Kapuso telefantasya Victor Magtanggol sans Maine Mendoza: "Pero kasi po, itong buhay natin bilang artista, trabaho lang naman po lahat, walang personalan."


Aminado si Alden Richards na magkahalo ang reaksiyon ng tagasuporta nila ni Maine Mendoza dahil hindi sila ang magkatambal sa GMA-7 prime time series na Victor Magtanggol, na pinagbibidahan ng Pambansang Bae.

Habang si Maine ay naiulat nang makakasama nina Vic Sotto at Coco Martin sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Popoy En Jack: The Puliscredibles.

Ngunit nilinaw ni Alden na hindi ito nangangahulugang natuldukan na ang love team nila ni Maine, ang AlDub, na unang nakilala sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! noong 2015.

Pahayag ni Alden, “Marami po talagang nag-react na AlDub fans when they learned na I’m doing a soap na hindi si Maine ang ka-partner ko.

“Pero kasi po, itong buhay natin bilang artista, trabaho lang naman po lahat, walang personalan.”

Dugtong niya, “Kumbaga, ginagawa ko lang po ito para sa personal growth ko.

“And I’m sure, si Maine po may mga ginagawa rin for her personal growth.”

Taliwas sa usap-usapan ng ilang netizens sa social media, mariing pinabulaanan ni Alden ang espeskulasyong pinaghihiwalay sila ni Maine ng GMA-7 o ng Eat Bulaga! management.  

Hindi pa nagbigay ng detalye si Alden, ngunit nabanggit niyang nakatakda silang magtambal muli ni Maine sa isang pelikula.

“Linawin ko lang po, wala pa pong nagtatapos na AlDub. Hindi pa po tapos ang AlDub. Nandiyan pa rin siya.

“Kasi maraming nagsasabi, ang Bulaga daw po at ang GMA pinaghihiwalay kami.

“Parang, kami po kasi, ang take po namin ni Maine, as long as nagkakaintindihan po kami sa mga ginagawa namin, okey po kami.

“This is more for exploration of Alden, exploration of Maine.

"Para pag bumalik na kami ulit, makagawa po kami ulit ng proyekto as partners, kakaiba na po yung mapapanood nila coming from the exploration na ginawa namin individually.”

Nakapanayam ng entertainment reporters si Alden pagkatapos ng grand presscon ng Victor Magtanggol, na ginanap sa GMA-7 Studios sa Quezon City, kagabi, July 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL TOGETHER. Ayon kay Alden, nananatiling buo ang suporta nila ni Maine sa isa’t isa. 

“Opo naman, of course, for sure.

"Si Maine naman, very supportive 'yan.

"Wala po akong narinig na hindi maganda on her end. So I'm sure she supports Victor Magtanggol."

Kasabay nito ay patuloy pa ring magkakasama sina Alden at Maine sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Sabi ni Alden, “Every day nagkikita pa rin po kami sa Eat Bulaga. Hindi naman po nawawala yun.

“Kasi kahit nagte-taping ako ng Victor Magtanggol, I see to it, the next day makakapag-Eat Bulaga! ako.

"So, makikita at makikita pa rin kami ng mga tao together sa Eat Bulaga!”  


Stories We Are Tracking

A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub
A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN