Akihiro Blanco quashes rumor about fathering a child

IMAGE Noel Orsal

Akihiro Blanco is enjoying a career surge and will be seen in the indie Dito Lang Ako and new TV series Born Beautiful.


Tiniyak ni Akihiro Blanco na wala siyang anak sa kahit na sinong babae.

Ito ay sa gitna ng tila hindi tumitigil na usap-usapang mayroon siyang nabuntis noong nasa TV5 pa siya.

Giit ng 23-year-old actor, “Three years ago, meron na po akong naririnig na ganyan… wala po, wala po talaga.”

Itinanggi rin ni Akihiro ang pagiging malikot sa babae na maaaring pinagmulan ng tsismis na ito.

“Hindi naman, siyempre lalaki tayo, puwede rin naman minsan pag trip mo… mas madalas po kasi sa akin relationship, girlfriend.”

Diin pa niya, “Sa ibang bagay na paanu-ano, hindi po ako ganun.”

May dalawa o tatlong taon na raw siyang walang kasintahan kaya imposibleng may anak siya.

Nabanggit din ng Artista Academy alumnus ang tungkol sa huli niyang nakarelasyon.

“Kung meron, sinabi na niya sa akin, nag-uusap naman kami, at actually nag-usap kami this year.

“Wala, wala... kung meron man at totoo, papanagutan ko iyan siyempre, lalaki tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Akihiro sa presscon ng lalabas niyang movie kasama sina Jon Lucas at Michelle Vito, ang Dito Lang Ako, na iprinodyus ng Blade Entertainment.

Ginanap ang presscon noong Biyernes, July 20, sa Peri Peri restaurant, sa TriNoMa Mall.

THANKFUL TO TV5. Malaki pa rin ang pasasalamat ni Akihiro sa TV5 kahit naudlot ang kanyang pagsikat nang bitawan siya ng dating network.

Lalo’t nabibigyan na sana siya noon ng pagkakataong magbida sa indie films.

Pahayag ng Pinoy-Japanese actor, “Para po sa akin, malaking bagay na naging homegrown kami ng TV5.

“Dun po kami nagsimula, dun po kami nagkapangalan po kahit paano…

"Hindi ko ipagkakait na doon ako galing. Proud ako dun ako galing.

"Para po sa akin, hindi naman naapektuhan ang career ko.

“After po ng TV5, gumawa pa rin po ako ng project, mas nagagawa ko po nang walang limit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before po kasi sa network, may mga limitasyon ka; ngayon, puwede ko nang gawin na walang limitasyon.

"Nakakapagsulat na po, nakakapag-direct po ako kahit short film lang kung trip-trip lang."

CAREER SURGE. Ayon pa kay Akihiro, hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Sa halip ay pinagbubutihan niya ang mga proyektong pinagkakaabalahan ngayon, tulad ng indie film na Dito Lang Ako.

Saad ni Akihiro, “Sobrang challenging yung role ko doon, pag napanood niyo po, matutuwa po kayo dahil ibang Aki ang makikita niyo doon.

“Yung pagiging aktor ko, ginagawa ko na pong seryoso ngayon.”

Sabi pa niya, “Sa ngayon po, gusto ko po talagang mag-iba, mag-experiment sa showbiz.

“Gusto kong i-try lahat, e, katulad nun may ginawa akong Immaculada, doon nagpakita na ako ng puwet.

“Sobrang challenging yung pressure sa akin.

"Once na ginawa ko na, feeling ko nag-mature pagkatao ko, yung role ko."

Kasama rin si Akihiro sa TV series na Born Beautiful starring Martin del Rosario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN