Kuwaiti beauty blogger unapologetic for "racist" comments on OFWs; beauty brands sever their partnerships

IMAGE Photos grabbed from YouTube

Beauty blogger Sodos Alqattan says her comments against overseas Filipino workers in Kuwait does not require an apology. Meanwhile, beauty companies have started cutting ties with the Kuwaiti beauty blogger.


Walang pagsisisi ang Kuwaiti celebrity influencer na si Sondos Alqattan sa kanyang mga binitawang salita laban sa Filipino domestic helpers sa Kuwait na tinawag pa niyang “slaves.”

July 10 nang mag-post ng video ang social media influencer na nagrereklamo kaugnay ng ipinatupad na batas na nagbibigay sa Filipino employees sa Kuwait ng isang araw na pahinga sa isang linggo at nagbabawal sa employers na itago ang kanilang passports.

Maraming Pilipino ang nag-react dito at ipinanawagan ang pagbo-boycott at paghingi ng apology ng Kuwaiti national.


Stories We Are Tracking

Jake condemns Kuwaiti blogger's racist comments vs OFWs
Jake condemns Kuwaiti blogger's racist comments vs OFWs

Sinabi naman ni Alqattan na “unjustified” ang panawagan at hindi ito nagre-require ng apology, ayon sa ulat ng international news agency na Agence France-Presse.

Ang tangi raw niyang sinabi ay may karapatan ang employer na itago ang pasaporte ng kanyang “servant,” at marami raw kababayan niya at Gulf nationals ang sumasang-ayon sa kanya.

Bilang sponsor, may karapatan daw siyang itago ang pasaporte ng trabahador at nagbabayad siya ng depositong 1,500 dinars o katumbas ng halos $5,000.

Ang ganitong pamamalakad ay hindi raw insulto sa isang empleyado at walang kinalaman sa karapatang pantao dahil pinapasahod pa rin ang empleyado at hindi sinasaktan.

Nakatira raw ang empleyado sa bahay ng kanyang amo, pareho ang kinakain, natutulog at nakakapagpahinga, at puwedeng mamasyal dahil karapatan niya ito.

Ganito rin ang laman ng pahayag ni Alqattan na kanyang inilathala sa Instagram ngayong araw, July 24. 

Bahagi ng kanyang pahayag, "The passport of any expat employee should be in the possession of the employer to protect the employers interest. Irrelevant of the employee/employer nationality."

Iginiit din niyang kailanman ay hindi niya minaltrato ang simuman sa kanyang empleyado.

"I have not, on any circumstances in the present or the past, have mistreated, degraded, or in any way mistreated an employee of mine.

"And for that I consider all employees as equal human being with equal rights to that is of mine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alqattan ay may higit sa dalawang milyong followers sa social media at kilala sa kanyang makeup tutorial videos.

Dahil sa isyung ito, may ilang kumpanyang may endorsement deals kay Alqattan ang nagdesisyong ihinto na ang kanilang partnership. 

Sa Twitter, sinabi ng London-based cosmetics brand na Chelsea Beautique na tatanggalin na nito ang video na sponsored ni Alqattan sa kanilang social media channels. 

Ayon pa sa statement ng kompanya, "We believe that decent working conditions should be provided to everyone and such behavior does not represent our brand’s core beliefs."

Sa ulat naman Gulf News, kabilang din ang makeup giant na Max Factor at French perfume brand na M. Micallef sa mga pumutol ng kanilang ugnayan sa Kuwaiti blogger. 
“Max Factor Arabia was shocked by the comments made… regarding the new labor law in Kuwait,” sabi ng isang spokesperson sa Gulf News.
“Max Factor Arabia is taking this incident very seriously and have immediately suspended all collaborations with Sondos.”
Sa isang email naman na ipinadala sa news outlet, sinabi ng M. Micallef spokesperson, “We are absolutely shocked by the behaviour of Sondos Alqattan, and we deeply regret the relationship with her, which we are terminating with immediate effect.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN