Jericho Rosales admits to cheating, being cheated on: "Na-experience ko na lahat iyan."

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales admits he is guilty of having cheated on an ex-girlfriend and he also experienced being cheated on by a former girlfriend. 


Diretsong inamin ni Jericho Rosales na naranasan niyang magtaksil at mapagtaksilan ng karelasyon noon.

“Yung question ulit kung na-cheat na ako at nag-cheat na ako, oo naman, na-experience ko na lahat iyan.

“Ipokrito naman ako pag di ko sinabing nambabae’t na hindi ako naloko din, di ba?

“Pero di ko sasabihin kung sino. Kasi parang privacy na nila iyon.

“Tsaka nagkapatawaran na kami, yung mga pagkakamali,” pahayag ng Kapamilya actor sa press conference ng upcoming prime time teleseryeng Halik, sa ASB-CBN compound nitong Martes, July 24.

Tapos na raw ang yugtong iyon ng kanyang buhay ngayong may asawa na siya.

Kasal si Jericho sa model-host na si Kim Jones.

Natanong din ang 38-anyos na aktor kung hindi na ba siya natutukso sa mga babae.

“Naghahanap ako ng iba't ibang halik mula sa aking one and only girl,” pagtukoy ni Jericho sa kanyang misis.

Dagdag niya, “Nung ikinasal ako, I made sure na malakas na ako, di ba?”

Pagbibiro pa niya, “Na-realize ko na hindi pa pala ako [malakas], kasi humihina ako pag kaharap ko siya [Kim].”

CO-STARS. Natanong din ang co-stars ni Echo sa teleserye na sina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos kung naranasan na ba nilang maloko at manloko ng karelasyon.

Ayon kay Yam, “Never pa akong nag-cheat, pero may nag-cheat na sa akin, yung first boyfriend ko.

“Pero matagal na yun, bata pa ako, immature pa kami nun.

“Nung nahuli ko, ayoko na. That’s it.

“Kasi yun ang number one rule ko, once mag-cheat ka sa akin, it’s over.”

Sagot naman ni Sam, “Ako din, nung bata ako.

“Hindi ko masasabi na nagtaksil siya. High school, four years kami.

“After high school, kaka-graduate pa lang, pumunta ako dito sa Pilipinas para mag-try out ng modelling, 2002 ito.

“Pero na-miss ko siya, so bumalik ako sa States para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos pagdating ko, sabi niya, ‘I have feelings for somebody else. I’m in love with somebody else.’”

Dugtong ni Sam, “Seven months kaming break, 'tapos kami ulit.”

Kuwento naman ni Yen, “Never pa naman akong nag-cheat at hindi pa naman po ako napagtaksilan.

“Siguro ang pinakamasakit na nagawa sa akin, nakipag-break sa akin, pero may kapalit na agad.

"Pero alam ko naman na hindi naman nagsabay."

Magsisimula angHalik sa ABS-CBN Primetime Bida sa August 13, pagkatapos ng Bagani


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN