Kristoffer Martin on Paul Salas-Barbie Imperial issue: "Yun ang hinanakit ko. Sana hindi na inilabas."

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Kristoffer Martin on getting caught up in the social-media controversy about Paul Salas-Barbie Imperial breakup: "Si Paul kasi is one of my closest friends. Technically, yung reaksiyon ko as a kuya. Ako kasi yung kuya sa barkada namin. Na 'wag na ilabas. Yun lang ang hinanakit ko. Sana hindi na inilabas."


Nanindigan ang GMA-7 actor na si Kristoffer Martin na wala siyang intensiyong panghimasukan kung anuman ang naging problema sa hiwalayan nina Paul Salas at Barbie Imperial.

Hindi lang daw kayang palampasin ni Kristoffer ang pambabatikos na natamo ng kaibigan niyang si Paul.

Kaugnay ito ng paninisi ng ilang netizens kay Paul sa tinamong pasa at gasgas ni Barbie, base sa kontrobersiyal na cryptic social media posts ng Kapamilya actress kamakailan.

Nadawit si Kristoffer sa isyu nang sagutin niya ang mga umano’y maling akusasyon laban kay Paul sa social media.

"Si Paul kasi is one of my closest friends. Technically, yung reaksiyon ko, as a kuya. Ako kasi yung kuya sa barkada namin.

"Na huwag na ilabas. Yun lang ang hinanakit ko. Sana hindi na inilabas."

Depensa ni Kristoffer, "Yun talaga kasi yung nangyari. Hindi sa nakikisawsaw ako. Ayoko lang ng may nadedehado." 

Gayunman, nais daw ni Kristoffer na tuldukan na ang isyu. Lalo na’t iisa lang ang sirkulo nila ni Barbie.

"Aggressive din kasi ako lumabas, e. That’s why nag-apologize rin ako, eventually.

"Hindi ko naman siya story to tell, e. Wala ako sa lugar para sabihin yun.

"Initial reaction ko lang siya as a kuya, kaya binawi ko rin."

Patuloy ni Kristoffer, ang kanyang non-showbiz girlfriend na si AC Banzon ang nakakaalam kung anuman ang panig ni Barbie.

"Si Paul naman, alam ko yung sa kanya.

"Hindi ko alam yung sa kabila. Ang tinakbuhan, si girlfriend.

"Nagkaintindihan naman na lahat, e, kaya hindi na siya lumaki."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa grand press conference ng Victor Magtanggol, ang GMA-7 telefantasya na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Ginanap ito sa GMA-7 Studio Complex sa Quezon City, kagabi, July 23.

Tanging sina Paul at Barbie lang daw ang nasa posisyon upang bigyang-linaw kung anuman ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Kristoffer, "Kasi yun ang natutunan ko sa recent na nangyari, kahit anong side sabihin mo, divided tayo by our own opinions.

"Hindi mo maaano sa tao na paniwalaan yung sa ‘yo, kasi may pinaniniwalaan siyang iba.

"So, better siguro na tumahimik ako kaysa mag-clash pa."

Umaasa si Kristoffer na magrespetuhan na lang ng opinyon ang bawat isa ukol dito.

Sina Kristoffer at Paul ay parehong GMA-7 actors, habang si Barbie ay pinagbibidahan ang ABS-CBN afternoon drama na Araw Gabi


Stories We Are Tracking

Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer's girlfriend engages in word war with Barbie fans
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Kristoffer apologizes for misleading tweets on Barbie tweet
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial deletes posts about physical abuse
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches
Barbie Imperial posts photo showing bruises, scratches


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN