Sam Milby "happy and blessed" to be single at 34

IMAGE Noel Orsal

Sam Milby, 34, is single and happy. "And honestly, I'm in a good place. For me, what's really important for me right now, my faith and my beliefs. And that's what I'm working on."


Ayaw magpa-pressure ni Sam Milby na maikasal pagdating ng kanyang ideal age.

Sinasabi noon ni Sam na gusto niyang maikasal pagsapit ng 35 anyos.

Thirty-four na ngayon ang Kapamilya actor.

Pero dahil single siya ngayon, alam niyang hindi iyon matutupad.

“I don’t think everybody can really have plans.

"Kasi ako, my ideal age would be 35 para mag-asawa. I’m 34… kaka-34 pa lang.

"So, kung sa plan ko na gusto ko [magpakasal] would be next year na.

"But obviously, di mangyayari yun,” paliwanag ng Filipino-American actor sa press conference ng Halik, ang upcoming ABS-CBN prime time series na pinagbibidahan din nina Yen Santos, Yam Concepcion, at Jericho Rosales.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City, nitong Martes, July 24.  

Nito lamang March 2018 ay kinumpirma ni Sam na break na sila ng model/TV host/blogger na si Mari Jasmine pagkatapos ng dalawang taong relasyon.


Stories We Are Tracking

Sam Milby
Sam Milby "very surprised" by Mari Jasmine's coming out
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam Milby's ex-GF reveals relationship with female director
Sam Milby hints at reason of breakup with Mari Jasmine
Sam Milby hints at reason of breakup with Mari Jasmine

SINGLE LIFE

Inusisa ang aktor kung may idine-date siya ngayon.

Tugon ni Sam, “Wala. Wala akong idini-date ngayon.

“And honestly, I’m in a good place.

"For me, what’s really important for me right now, my faith and my beliefs.

"And that’s what I’m working on. I go to an amazing church.

“I’m building my relationship with God.

“For me, I don’t wanna sound too spiritual, but that’s what I’m really working on.

"I feel that you put God first and everything follows after."

Hindi man niya matupad ang planong maikasal pagsapit ng 35, nagpapasalamat si Sam sa kanyang estado ngayon sa buhay.

“Am I in a good place? Am I happy? Am I blessed? Yeah!

“I’m blessed with this project. I’m blessed with these amazing people.

"And, I think, suwerte din ako that I’m a guy.

“When you’re a guy, wala namang time limit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, my dad was 49 nung ipinanganak ako.

“But ako, gusto kong maging bata pa when I have kids.”  

ANOTHER OFFBEAT ROLE

Isa na namang mature at offbeat role ang gagampanan ni Sam sa teleseryeng Halik.

Saad niya, “I’m happy to be doing something offbeat, and I’m thankful kay Direk Ruel [Bayani] and his unit for offering me this role.

“Nung in-offer niya sa akin ang role nito, na-realize niya, ‘Sam, mas nagsa-shine ka sa offbeat roles… yung mga gray characters.”

Offbeat din ang ginampanan ni Sam sa mga teleseryeng Maging Sino Ka Man (2006) at Huwag Ka Lang Mawawala (2013) kung saan napansin ang kanyang pag-arte.  

Magsisimula ang Halik sa Kapamilya Primetime Bida sa August 13, pagkatapos ng Bagani.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN