Netizens go wild over Jak Roberto "Adan" photo

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Pinagkaguluhan ng netizens ang semi-nude post ng Pambansang Abs na si Jak Roberto sa Instagram. 


Lumikha ng nakatutuwang reaksiyon mula sa netizens ang Instagram post ng Kapuso hunk na si Jak Roberto ngayong Miyerkules, July 25.

Ang nasabing post ay larawan niya kung saan may suot siyang manipis na shorts at dahon lang ang tumatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Caption ni Jak dito: “Adan.”

Tila kuha ang larawan sa taping ng gag show na Bubble Gang, kung saan regular member si Jak.

Adan

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Ayon sa ilang netizens, mas gugustuhin na lamang nila ngayong maging “vegetarian” dahil sa dahon ng Pambansang Abs.

Ang iba naman, nagsasabing ang suwerte raw ng dahon.

Gusto naman ng iba na anihin na ang dahon ni Jak.

Narito ang ilan sa mga nakatutuwang komento sa post ni Jak:











ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN