Kris Aquino reacts to "extra" role in Crazy Rich Asians

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Kris Aquino on her special role in Crazy Rich Asians: "I never claimed the role had long exposure BUT it is very MEANINGFUL."


Tinawag na "extra" ng isang basher si Kris Aquino kaugnay ng partisipasyon ng TV host-actress sa upcoming Hollywood movie na Crazy Rich Asians, na base sa best-selling novel ni Kevin Kwan na may parehong pamagat.

Nagsimula ito nang ibahagi ni Kris sa kanyang Instagram post ngayong umaga ng Miyerkules, July 25, na imbitado siya sa red-carpet premiere ng Crazy Rich Asians na gaganapin sa California, USA, sa August.

Sa caption, ikinuwento ni Kris ang audition niya noong Marso para mapasama sa pelikula.

Laking tuwa raw niya nang matanggap siya at mabigyan ng role.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Pero sa comments section, isang basher ang inalipusta ang role ni Kris, kahit hindi pa nito napapanood ang pelikula.

Komento ng basher, “Sus 5 second exposure! Dadaan lang camera sa kanya. Extra! Extra!”

Hindi naman nagpadala sa inis o galit si Kris. Sinagot niya nang maayos ang panlalait ng basher.

Pinipigilan daw niyang huwag magsalita dahil may instructions sa kanyang huwag munang magbigay ng detalye.

“thank you... it is sooooooo difficult to not speak my TRUTH. Because when people actually watch the movie they’ll know what i mean.

"I was given strict instructions to not say a word until the go signal from @wbpictures office gives me the Philippine trailer to upload...”

Pero ipinagmamalaki niyang siya ang napili para sa role.

Hindi rin daw niya kailanman sinabi na magiging mahaba ang exposure niya sa pelikula.

“ito lang po ang pwede kong sabihin- IKINATABA ng puso ko na sobrang nagmamahal sa lahat ng Pilipino na nakikipagsapalaran sa lahat ng sulok ng mundo sa maliit o malaki mang posisyon, na ako yung napili for this role. Kasi nga binitbit ko yung 'identity' natin.

"And we owe @kevinkwanbooks a big THANK YOU. He fought for us. I never claimed the role had long exposure BUT it is very MEANINGFUL.

“And we can be proud! For all those times we felt judged or looked down upon- this time in Crazy Rich Asians- tayo ang tiningala. #waitlang”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN