Actor Gerald Anderson's house robbed, report says

IMAGE Noel Orsal

Report says that a suspect allegedly broke into the house of ABS-CBN actor Gerald Anderson and stole some of his belongings. The suspect was arrested and was brought to the Batasan Police Station. 


Nilooban ang bahay at nanakawan ng ilang gamit ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, nakita raw ng personal assistant ni Gerald na si Jalil Laidan ang isang lalaki sa tabi ng sasakyan ng aktor nitong Huwebes ng madaling-araw, July 26.

Ayon naman sa saksing si Erwin Ebora, driver ng kapitbahay ni Gerald, nakita niyang pumasok at lumabas ang suspek sa bahay ng aktor.

Sinita raw nila ang suspek pero bigla itong tumakbo palayo.

Ngunit nahabol ito at nahuli.

Natagpuan sa suspek ang mga tinangay nitong sapatos at mga T-shirt.

Ang suspek ay anak daw ng dating katiwala ni Gerald.

Ngunit itinanggi ng suspek ang krimen nang dalhin siya sa Batasan Police Station.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN