Janine Gutierrez surprised by mom Lotlot de Leon's engagement to Lebanese boyfriend

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Janine Gutierrez is happy for mom Lotlot de Leon's recent engagement. She said about Lebanese businessman Fadi El Soury: "I really like him dahil talagang inaalagaan niya si Mama."


Inamin ni Janine Gutierrez na ikinagulat nilang magkakapatid ang engagement ng kanilang ina na si Lotlot de Leon sa Lebanese boyfriend nitong si Fadi El Soury.

Naganap ang proposal ni Fadi o Fred kay Lotlot sa Nature Wellness Village, sa Tagaytay City, noong July 15.

Matagal nang hiwalay si Lotlot sa ama ni Janine at dating asawa na si Ramon Christopher Gutierrez.

Pahayag ng Kapuso actress tungkol sa engagement ng ina, “Honestly, hindi ko po in-expect na mag-aasawa po uli si Mama.

"Siyempre ang hangad ko ko para sa kanya ay may makasama siyang tumanda. Yung happy siya sa love life niya.

“So, ito na po siguro yung final-final step para masabi na nakahanap na nga siya ng forever niya.”

Hindi raw hiningi ni Lotlot ang blessing ng kanyang mga anak sa posibilidad na pagpapakasal nitong muli.

“Hindi po,” pagpapatunay ni Janine.

“Nagulat din talaga kami talaga, pero siyempre hindi naman po siguro kailangan na hingan kami ng paalam dahil si Mama yun, e.

“Siguro kung may magpu-propose sa akin, kailangang magpaalam kay Mama.

"Pero si Mama, hindi na po kailangan."

Dagdag pa ng 28-year-old actress, "Ang mahalaga lang po sa akin, yung kaligayahan niya, and I know she’s very, very happy.

“Kasi pagka-propose pa lang, tinawagan na niya kami lahat na magkakapatid, na binigyan nga daw siya ng singsing, and she’s very happy.

“So we’re very happy po kaming magkakapatid.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa media conference ng bagong Kapuso prime time series na Victor Magtanggol, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center noong Lunes, July 23.

MONCHING IS HAPPY FOR LOTLOT

Wala naman daw negative reaction o pagtutol ang ama ni Janine na si Ramon Christopher o Monching sa muling pagpapakasal ng kanyang ex-wife.

Pahayag ni Janine, “Okey naman. Kasi okey naman po sila ni Papa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakasama naman po kami nina Mama kapag may isang nagbi-birthday sa amin or anything. Okey naman sila.

“And alam ko naman na forever na yung pagmamahal ni Papa kay Mama, at kasama na dun yung gusto niyang maging masaya si Mama.”

Naloloka raw si Janine sa thought na magiging stepfather niya ang boyfriend o magiging asawa ng ina.

Natatawang bulalas ng Kapuso star, “Nakakaloka! Oh, my gosh!

"Hindi ko in-imagine na… uhm, hindi naman siguro stepfather kasi matatanda na kami nung naging sila ni Mama.

"Pero I really like him dahil talagang inaalagaan niya si Mama.

"Talagang ramdam ko na kahit busy ako sa taping at kulang ako sa dalaw kay Mama, alam ko na may nag-aalaga kay Mama at masaya siya."


Stories We Are Tracking

Lotlot de Leon is engaged to Lebanese boyfriend
Lotlot de Leon is engaged to Lebanese boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN