Alden Richards says he's ready to fall in love this 2018: "Sana ngayon na po."

IMAGE Mark Nicdao

Alden Richards on finding the right girl for him: "I never really closed my doors when it comes to being romantically involved with my co-stars. I am also not closing my doors to be romantically involved with someone outside showbiz."


Inihayag ni Alden Richards, 26, na handa siyang panindigan ang pakikipagrelasyon sakaling mahanap niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang pinagbibidahang GMA-7 prime time series na Victor Magtanggol, pagku-co-host sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga!, at pagiging bahagi ng weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

“Oo nga po, e. Para maiba naman po. Kailangan na siguro bigyan ng time.

"This year po, sana ngayon na po," nakangiting saad ni Alden nang usisain ang estado ng kanyang love life.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Alden sa grand media conference ng Victor Magtanggol, na ginanap sa GMA-7 Studio 7 sa Quezon City noong Lunes, July 23.

Wala pa raw siyang idine-date sa ngayon.

Pero hindi raw niya pipigilan ang sarili sakaling may mapusuan siya, anuman ang sabihin ng iba.

“I never really closed my doors when it comes to being romantically involved with my co-stars.

"I am also not closing my doors to be romantically involved with someone outside showbiz."

Dagdag ni Alden, “Tuluy-tuloy po ang buhay. Regardless po kung anong sabihin ng tao.

“Kasi siyempre, buhay mo naman ito. Tayo po ang may desisyon kung anong gustong gawin sa buhay natin.”

Natatawang sabi pa ni Alden, sana ay hindi na malamig ang kanyang Pasko sa darating na Disyembre.


Stories We Are Tracking

Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub
A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub
Alden Richards pleads to bashers of co-stars Janine, Andrea
Alden Richards pleads to bashers of co-stars Janine, Andrea


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN