Matteo Guidicelli posts kilig birthday message to Sarah Geronimo

IMAGE @mateoguidicelli on Instagram

Matteo Guidicelli posts heart-melting birthday message to girlfriend of four years Sarah Geronimo: "Happy birthday my love! Thank you for understanding me and loving me with a pure heart, it means so much. Words just can't explain... I wish you all the happiness in the whole world because you deserve it all."


Nagmistulang buzzer beater ang birthday message ni Matteo Guidicelli para sa kanyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo.

Halos ilang minuto na lamang bago matapos ang July 25 nang mag-post ang 29-year-old actor-singer ng napaka-sweet na mensahe para sa 30th birthday ng singer-actress.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Matteo ng larawan ng reflection nila ni Sarah sa isang sunglass.

Sa caption, mensahe ni Matteo, “Happy birthday my love! Thank you for understanding me and loving me with a pure heart, it means so much.

“Words just can’t explain... I wish you all the happiness in the whole world because you deserve it all.”

Huli man at nakakakilig, maihahabol pa rin ang mensahe ni Matteo para sa mga nag-aabang na fans nila ni Sarah, na mas kilala bilang AshMatt.

Kahit ang mga kapwa nila artista ay tila kinilig sa post ni Matteo, na madalang nagpu-post ng anumang larawan nila ni Sarah.





Stories We Are Tracking

Sarah enjoys month-long vacation with Matteo
Sarah enjoys month-long vacation with Matteo


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN