Kris Aquino, Bela Padilla react to Demi Lovato alleged drug overdose

IMAGE @bela on Instagram / Noel Orsal

A netizen candidly asks Kris Aquino (right), who is a Demi Lovato fan, why she idolizes a "drug addict." Demi was recently hospitalized due to a suspected drug overdose. Bela Padilla (left), on the other hand, says what happened to Demi is "heartbreaking."


Kabilang sina Kris Aquino at Bela Padilla sa local celebrities na nag-react via social media hinggil sa balitang naospital ang American singer na si Demi Lovato dahil sa diumano’y drug overdose.

Sa isang Instagram post ni Kris, isang netizen ang nagtanong tungkol sa pagkakaospital ni Demi.

Ayon sa netizen, alam niyang si Kris ay isang Lovatic, tawag sa fans ng American singer.

Direktang tanong ng netizen kay Kris, "I know you're a Lovatic. Why do you idolize a drug addict?" 

Sagot ni Kris, "Because i am a believer in a forgiving God- the One Who gave His Only Begotten Son to save us from eternal damnation & she is now in my prayers." 

Binanggit din ni Kris ang tungkol sa tweet ng kilalang American TV host na si Ellen DeGeneres na nagpahayag ng kanyang pagmamahal at pakikisimpatiya kay Demi. 


BELA SWEARS SHE NEVER TRIED DRUGS

Samantala, idinaan naman ni Bela sa Twitter ang kanyang pakikisimpatiya sa international singer.

Aniya, "Demi Lovato grew up with us and healed so much of us with her music… it’s heartbreaking to read what she’s going through. Let’s all send her love May she come back stronger. [emojis]"

Ayon sa mga naglabasang ulat, na-overdose si Demi sa paggamit ng heroin, matapos ang anim na taong sobriety.

Bukod sa substance abuse, ilan pa sa mga pinagdaanan ni Demi ay eating disorder, depression, at self-inflicted harm.

Si Bela ay isa sa local celebrities na vocal pagdating sa mental health awareness at binanggit niyang ito ay isang seryosong isyu.


Stories We Are Tracking

Demi Lovato hospitalized due to drug overdose, report says
Demi Lovato hospitalized due to drug overdose, report says
Celebs tweet about helping others battling with depression
Celebs tweet about helping others battling with depression

Tweet ng 27-anyos na aktres tungkol sa droga, “I’m happy I grew up in an environment where I was brought up condemning drugs.

“At my age I’m proud to say I’ve never tried or experimented with it in my life.”

Panawagan pa niya, “If we have friends or family going through depression, let’s reach out to them so they don’t need to look elsewhere.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, nag-post pa si Bela tungkol sa pag-imbita sa kanya ni Boy Abunda upang maging isa sa mga speaker sa isang forum na tumatalakay sa mental health.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN