Maritoni Fernandez reveals showbiz hiatus because of business, newfound love

IMAGE Noel Orsal

Maritoni Fernandez reveals she found new love at almost 50 years old, a Filipino chemical engineer who works in the States. "So, it's never too late."


In love muli ang aktres na si Maritoni Fernandez.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit matagal siyang hindu tumanggap ng acting assignment.

Pagkatapos gawin ni Maritoni ang Kapuso prime time series na That’s My Amboy noong 2016, ngayon lang ulit mapapanood ang aktres sa pamamagitan ng telefantasya na Victor Magtanggol.

Paliwanag ng aktres sa kanyang hiatus, “Many reasons... number one, I built my business, which is Herb-All Organic.

"Basically lahat ng ibinebenta ko is organic products. Super-bongga na siya ngayon.

"Showbiz is my pastime now, hahaha! Ang yabang, 'no?"

Sa puntong ito, ibinahagi ni Maritoni ang isa pang dahilan ng pagtanggi niyang maging abala uli bilang aktres.

Kuwento niya, “Pero you know, the truth is, actually, I also met someone very special.

"And yes, at almost 50 [years old]. Kung kailan ako tumanda, ano?

"At almost 50, na-bless ako ni Lord kung kailan malalaki na ang mga anak ko. 

"He’s a Filipino, pero American citizen."

Ayon kay Maritoni, nabuo ang lahat sa kanyang buhay sa tamang panahon.

Ang kanyang panganay na anak, ang dati ring Kapuso actress na si Lexi Fernandez, ay ga-graduate na sa University of Asia & the Pacific sa kursong Special Education (SPED) sa susunod na taon.

Matapos nito ay kukuha si Lexi ng masters degree sa San Francisco, California, USA.

Patuloy ni Maritoni, “So, in two years, puwede na siyang magtayo ng school. So, okey na siya.

"Yung bunso ko, yung lalaki, 13 years old, high school na.

“Parang business is good, life is good, so sabi ni God, 'Kulang na lang sa iyo is a husband.' O, di ba? 

"So, parang magsi-singkuwenta na ako saka ako may nakilala.

“So, it’s never too late.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maritoni sa media conference ng Victor Magtanggol, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center sa Quezon City, noong Lunes, July 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARITONI'S BOYFRIEND

Nagbigay pa ng ilang personal information ang aktres tungkol sa kanyang boyfriend.

“He’s single, never had children, the same age as me, one year younger lang.”

Tumanggi si Maritoni na ibigay ang pangalan ng Fil-American boyfriend niya.

“Secret muna. Wala pang singsing, huwag muna.

"Pag meron na, unang-una kang makakaalam!" masayang sambit niya sa PEP.ph.

Isang kaibigang doktor ang gumawa ng paraan para magkakilala si Maritoni at ang kanyang boyfriend.

Aniya, "I met him, actually, he came home for a wedding and a good friend of mine set us up.

"Ayoko pa sa umpisa, galit na galit ako. E, derma friend ko siya."

Paglilinaw pa niyang mabuti, "Okay, friend ko yung dermatologist. Tumawag sa akin, 'Ton, eto na, eto na.'

"'Anong eto na? Yung forever akong bu-beauty? Yung machine na bago?' 

“Di ba, pag friend mo, derma, lahat ng bagong machine ita-try mo?

"So, punta ako. Sabi niya, 'Ton, hindi. Eto na yung para sa iyo for life.'

"Galit na galit ako. 'Ano ka? Sinabi ko ayoko ng lalaki.' Baka willing pa ako, babae… Joke!

“'Ayoko na, promise, okey na ako sa buhay ko.'"

Ngunit may sinabi raw ang kaibigang dermatologist kaya napapayag si Maritoni.

“Sabi ba naman sa akin, pag hindi ako makipag-date daw, hindi na ako puwedeng magpa-derma sa clinic niya.

"Excuse me, 'Te, mahirap magka-wrinkles!

"Sabi ko, 'Sige-sige, date.' Blind date yun."

Patuloy pang kuwento ng aktres, “So, nag-meet kami, feeling ko, 'My gosh, chemical engineer, anong pag-uusapan namin, test tube? Ang boring nito.'

Isang chemical engineer sa Amerika ang kanyang boyfriend.

“One and half years na. So, magtu-two years na kami,” sambit niya.

Iginiit ni Maritoni na wala sa plano niya o priority list ang magkaroon ng baby kung sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon nito sa kasalukuyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, matanda na, sarado na ang factory. Hindi na puwede!” bulalas niya.

Ayon pa sa Filipino-British actress, wala naman sinasabi ang kasintahan niyang gusto nitong magkaroon ng anak.

Sabi pa niya, “Hindi e… noong una, two years ago, alam mo kung talagang iniisip mo na magkaka-baby pa, hindi tayo puwede. Kasi done.

“Yung cards on the table na from the very beginning.

"Sabi niya, love niya talaga ako kahit wala nang baby. Instant baby na rin yung dalawa kong anak.

“So, di ba, sobrang blessing? Because of that yun. 

"Ang pakiusap lang niya, huwag na lang akong tatanggap ng show para madalas akong nakakapunta doon."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Bumalik si Maritoni sa rason kung bakit hindi na siya visible muli sa showbiz.

“Kasi nga, every six weeks, nandoon ako [sa Amerika]. Kaya hindi ako makatanggap, honestly.

“Kung tatanggap ako, hindi kami magkikita, di ba?

“At nasa kontrata ko, lalayas uli ako ng end of August.”

Inakala raw ni Maritoni na matatapos siya ng kanyang taping para sa Victor Magtanggol ngayong July.

“Kasi nag-start kami ng May, June, July, August... dapat tapos na ng August.

"Hindi ko alam na ang showing pala, July 30 pa.

"So, August, September, October, November...

“So, tinawagan ko siya, 'Baby, matatapos pa yata yung show ng November. Yun ay pag hindi na-extend. Kung na-extend, mukhang hanggang Pasko.' 

"'O, sige, paano 'yan?' Sabi ko, 'Sandali, papaalam ako.'"

Nagpaalam daw si Maritoni sa big bosses at pinahintulutan naman siya ng mga ito.

“Sabi ko, 'Basta every six weeks, ha, sisibat ako.' Pumayag naman.”

Nagkuwento rin si Maritoni kung paano siya napapayag bumalik sa pag-arte. 

"E, kasi naman, friend ko sina Ms. Annette Gozon [Valdes], at nung ako ay tinawagan, sabi ko, 'No, I cannot.'

"Kasi nga, ayoko na. 'Tapos bumalik na naman, sabi niya, 'Sige na, Ton [palayaw ni Maritoni].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Sige puwede lang ako up to this time, up to this time.’  E, umoo.

"'Tapos yun pala hindi masusunod, e, nakapirma na ako!" halakhak niya sa palambing na reklamo."

Si Atty. Annette Gozon-Valdes ay isa sa mga boss sa Kapuso network at anak ng CEO na si Atty. Felipe Gozon.

Isang hypocrite, opportunist stepmom ni Janine Gutierrez at asawa ni Eric Quizon ang role ni Maritoni sa Victor Magtanggol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN