LJ Reyes posts "kilig" anniversary message to boyfriend Paolo Contis

IMAGE Courtesy: @paolocontis on Instagram

Hindi lang daw ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng nobyong si Paolo Contis ang ipinagpapasalamat ni LJ Reyes sa kanilang third anniversary, kundi maging ang pagmamahal na ipinapakita ng aktor sa anak ng aktres kay Paulo Avelino na si Aki.


Ipinagdiwang nina LJ Reyes at Paolo Contis ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan kahapon, July 26.

Sa kanyang mensahe sa Instagram, pinasalamatan ng The Cure actress si Paolo sa pag-aalaga nito sa kanya, maging sa kanyang anak kay Paulo Avelino na si Ethan Akio Reyes o Aki.

Sabi ni LJ, “Not your ordinary anniv photo. Yes! Because it has always felt like it’s the three of us, not just two!

“Thanks for taking care of US! Thanks for making US laugh! (Pag lumaking kengkoy si Aki, sabi ko sayo alam mo na!)

“Thanks for loving US the way you uniquely do! How fitting right?

“Us 3 on our 3rd! Happy Anniversary my annoyingly funny and superrrrr kulit love!”

Idinaan naman ni Paolo sa biro ang pagbati niya sa kasintahan.

Gusto raw ng aktor na si LJ na ang makasama hanggang pagtanda.

Saad ni Paolo sa caption ng post niya sa Instagram, “Tandaan niyong lahat ang mukhang to!

“Eto ang mukha ng taong tatlong taon na akong pinapasaya!

“Eto rin ang mukha na gusto kong makita at makasama hanggang sa aking pag tanda!

“Eto ang mukha ng babaeng mahal na mahal ko!

“Pag nakita niyo ang mukhang to, ipag-bigay alam agad sa mga otoridad! Baka makawala pa eh!! Happy Anniversary Mahal ko!!! I love you sooooo much!!!”

Sa loob ng tatlong taong relasyon ng dalawa, itinuturing na ni Paolo na tunay na anak si Aki.

Makikita sa kanilang posts na super close na ang bata sa Bubble Gang actor.


Stories We Are Tracking

Paolo to LJ's son:
Paolo to LJ's son: "Haharang ako ng bala para sa 'yo."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN