Vhong Navarro emotional after guilty verdict against Cedric Lee, Deniece Cornejo

IMAGE Noel Orsal

Vhong Navarro (right) says fight is not yet over despite guilty verdict against Cedric Lee (left), Deniece Cornejo (center), and Jed Fernandez. The actor-TV host filed a grave coercion case against the respondents.


Naging emosyunal si Vhong Navarro nang marinig ang balitang guilty ang hatol sa kasong grave coercion na isinampa niya laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa Metropolitan Trial Court, Taguig Branch 74.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece sa condominium unit ng huli sa Taguig City noong January 22, 2014.

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng balita tungkol sa desisyon ng korte, base sa eksklusibong panayam namin sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ngayong Biyernes, July 27.


Stories We Are Tracking

Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case
Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case
Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee
Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee
DOJ affirms junking of rape cases against Vhong Navarro
DOJ affirms junking of rape cases against Vhong Navarro

Pagkatapos nito, sunud-sunod ang tweets ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe hinggil sa reakisyon ni Vhong sa desisyon ng korte.

Sa text message ni MJ sa PEP.ph, sinabi nitong nakausap niya sa telepono si Vhong, na kasalukuyang nasa U.S. kasama ang iba pang staff and crew ng It’s Showtime para mag-show roon.

Pahayag daw ni Vhong, “Sobrang saya kasi ito yung justice na hinihintay natin, e.

"Parang bumabalik sa alaala ko yung mga pinaggagawa sa akin, pwersahan kang pinapirma sa hindi mo naman kagustuhan, tinakot ka, sinaktan ka, binantaan ang pamilya mo, tinutukan ka ng baril."

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Atty. Mallonga, ipinaliwanag nitong puwersahang pinapirma ng grupo ni Cedric si Vhong sa police blotter sa akusasyong attempted rape ng aktor kay Deniece.

Pasasalamat pa ni Vhong, “Nakikita ko yung justice system sa Pilipinas, sa atin, dahil talagang hindi ako pinabayaan.

"Yung mga taong nagdasal, sumuporta, patuloy na nagmahal sa akin. Yung legal team ko na matiyagang tumutok sa kasong ito for five years.”

Sabi pa ni Vhong, nagpapasalamat siya sa Diyos na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na isiwalat ang katotohanan upang hindi na ito gawin sa iba.

“Kung nagawa sa akin, pwede ring gawin sa iba, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit na pagbibintangan ka na nang rape ka ng tao, at dito makikita na unti unti nang lumalabas ang katotohanan.”

Hindi raw rito natatapos ang laban ng actor-TV host dahil may dalawa pa siyang pending na kasong isinampa laban sa grupo ni Cedric: serious illegal detention at perjury.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN