Kapuso actor Addy Raj recounts humble beginnings as Kapamilya newbie

IMAGE Courtesy: @addyrajofficial on Instagram / File

Masaya ang Kapuso star na si Addy Raj dahil kahit dalawang taon na ang nakalipas, hindi pa nakalimutan ng Asia's Nightingale Lani Misalucha ang kanyang pangalan. Unang nagkakilala ang dalawa noong sumama si Addy sa ABS-CBN show na I Love OPM, kung saan isa sa mga judge si Lani.


Muling nanariwa sa isip ng Kapuso actor na si Addy Raj kung paano siya nagsimula sa showbiz nang makasalamuha at makita niyang muli ang Asia’s Nightingale na si Lani Michalucha.

Sa Kapamilya Network nagsimula si Addy noong sumali siya sa I Love OPM (2016, kung saan isa si Lani sa mga hurado. Main host ng show si Anne Curtis.

Sabi ni Addy sa kanyang Instagram post kahapon, July 27, “Nagsimula ang showbiz career ko sa isang singing competition kung saan isa sa mga judges si Lani Misalucha.

“Nagkita kami kahapon sa taping ng The Clash, kung saan isa ulit siya sa mga judges.”

Kasunod na ibinahagi ni Addy ang karanansan niya noon sa show sa ABS-CBN kung saan hindi rin naman siya ang nagwagi.

Sabi niya, “Nakita ko din yung ibang eliminated contestants na umiiyak at naalala ko yung mga nangyari sa akin dati.

“Gusto ko silang lapitan at yakapin para sabihing, ‘Magiging okay din ang lahat. Hindi pa katapusan ng mundo kapag natalo ka sa isang reality show competition.’

“’Tuloy lang ang buhay at may mga darating na bago at mas magandang opportunities sa inyo.’”

Sa huli, sinabi ni Addy na natuwa siya dahil hindi raw siya nakalimutan ng world-class singer.

Sa pagpapatuloy niya, “Sobra pala akong nagulat na naaalala pa ako ni Ms. Lani, at naaalala niya ang pangalan ko sa dami ng contestants na jinudge niya!"

Aniya, “Medyo matagal na panahon na ang lumipas pero parang mas lalo yatang bumabata si Ms. Lani!”

Magseselebra ng 46th birthday si Lani sa August 3.

Nagsimula ang showbiz career ko sa isang singing competition kung saan isa sa mga judges si Miss Lani Misalucha. Nagkita kami kahapon sa taping ng The Clash, kung saan isa ulit siya sa mga judges. Nakita ko din yung ibang eliminated contestants na umiiyak at naalala ko yung mga nangyari sa akin dati. Gusto ko silang lapitan at yakapin para sabihing, "Magiging okay din ang lahat. Hindi pa katapusan ng mundo kapag natalo ka sa isang reality show competition. Tuloy lang ang buhay at may mga darating na bago at mas magandang opportunities sa inyo." Sobra pala akong nagulat na naaalala pa ako ni Miss Lani, at naaalala niya ang pangalan ko sa dami ng contestants na jinudge niya! Medyo matagal na panahon na ang lumipas pero parang mas lalo yatang bumabata si Miss Lani! #TheClash

A post shared by Addy Raj (@addyrajofficial) on


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN